Saturday, May 31, 2008

Sleepless in Doha

What I planned to be a dinner did not turn out to be one; di raw nya naintindihan na kakain kami sa labas, akala nya "going out" lang daw ang sinabi ko so when i picked him up from his house, naka-pambahay lang sya: black tees in black shorts, flipflops, his long hair neatly pony tailed though. Kagagaling lang daw nya ng gym an hour ago pero di ko naman naamoy ang samyo ng Arabik baktol. Walang pag-iiba, amoy lalake lang. Kasi kung meron mang kakaibang amoy na nasagap ang ilong ko, agad ko syang wiwisikan ng dala kong pabango, hahahaha! Nagtaka lang ako bat ganun ang mukha nya: obviously na di naghilamos or what, pero walang oil at ang linis tignan? Say, kung tayong mga baklang walang ligo or hilamos yon, sure nang pinakamabangong (read: marumi at mabaho) tignan ang face natin, hahahahaha! Sa loob-loob ko, iba na talaga kapag maganda ang mukha, effortless kumbaga. There i was sitting next to a guy na naka-pambahay lang pero ako pa yung parang nahihiyang makipagtitigan considering ayos na ayos naman ng clay ang hair ko at ang isnging tadtad ng pimple marks ay natatakpan naman ng concealer.



Slightly disappointed ako in that naka-dress you up in my love kasi ako: pambansang skinny jeans at leather shoes. When he told me his excuse for dressing up that way (pambahay), OK lang --- ba’t naman ako magpi-feeling mamae na ipakikitang di ako naaliw sa getup nyang iyon?

Di namin alam kung saan kami pupunta kasi dyahe nga raw kung magdi-dinner kami nang ganun ang ayos nya. Souq Waqif won't be a good idea too dahil mainit daw kung outdoor ang labanan. He wouldn't mind going daw anywhere if he's properly dressed up. He asked me if i knew how to play billiards at kung gusto ko raw na sa bilyaran na lang kami magpunta. Di rin naman daw sya ganun ka-husay pero komo yun ang dama kong feel nyang puntahan dahil sa suot nya, don sya nagyaya. Sabi ko: “If none of us plays that sport really well, we'll just bore ourselves at sayang naman ang oras.” Di rin naman daw sya gutom so ayaw nya sa kahit anong resto. Komo ako ang driver, ako ang nasunod. We decided na lang to cruise around while enjoying the music from my car stereo. Off we went to Dairy Queen drive-thru and ordered 2 blizzards: Oreo for me, Kitkat for him.

After that, we parked the car on the Corniche, sa bandang opposite ng palasyo ng Emir, then smoked while singing along with house/techno/trance car stereo songs at the background. That was the start of the getting-to-know-each-other portion ala Q&A dahil tinanong ko sya about his family and his friends (national swimmers na Palestinians in particular na pinagnanasaan ko). I learned that his father is an engineer, his mom a housewife. He's good friends with those Palestinian swimmers; in fact, it was just the other night when he last saw them, including Ahmed Salamoon (Andy Roddick deadringer na dating fit pero mataba na ngayon). Nung tinanong ko kanino sya pinaka-close, he answered: "with Osamma (big haired swimmer na lab na lab ni Jackie ang “guhit”) and Mysara (Osamma's bro)." Napa-awwwjjj na lang ako sa loob-loob ko at kung anu-ano na namang balakin ang pumasok sa isip ko --- niteout with him, Osamma and Mysara, anyone? Hahahaha! Gosh, I feel so bitchy! As if to convince me that’s he’s indeed close to these swimmers and that he, too, became part of the national swimming squad, he took an old, torn Arabic news clipping from his wallet that showed a bunch of thin young boys in their trunks posing with their coaches by the pool. That pic was sooooooo cute! Kahit malabo ito, sa porma pa lang ng mga katawan at buhok, I was able to easily identify Mysara and Osamma in that group. The date of that picture: 2001! I did the math: he was only 14 then, I 26 --- argggghhhhh!!! Shit, I feel damn old!

Nung ako nman ang nag-share ng kwento-kwento sa buhay ko, i just told him na 2001 nang mapunta ako sa Qatar by virtue of visit visa ng tatay ko na nagta-trabaho na ng lagpas beinteng taon sa Qatar, at naging bahagi ako at ang friends ko ng Doha Asian Games Beach Volleyball nung 2006. Even if there was a part of me na gustong magpa-ghel and ask questions about relationship, kung nagka-dyowa na sya ng bakling, or for me to admit na gusto sya, di ko na ginawa. I'm afraid that would be too corny na baka di nya magustuhan o di sya sanay sa ganung eksena kaya nagpaka-kaswal na lang ako the whole night, with miminsang kurot at lapat ng kamay sa hita on da side. Guess it would be inappropriate na maglubi-lubi ako o mag-feeling hebi mamae sa unang labas ko with him.

Tapos non, rumekta naman kami sa beach sa Diplomatic Club area lagpas hotel Intercon. Ako pa rin ang nag-drive papunta ron pero nung nasa beach na kami mismo, I asked him na sya na ang magmaneho so we switched places. While parked facing the sea, nagsusuba lang kami pareho while gazing at the skyline of Doha. The music playing: “Always Be My Baby” by David Cook. Then, nakakita sya ng mangilan-ngilang isdang patalun-talon sa dalampasigan at saka chumika ng: “Fish! You wanna see the fish?” Akala ko naman ay sasamahan nya akong tignan ang mga ito pero hinayaan nya lang akong mag-isang lapitan ang mga ito sa tubig. Walang ilaw sa lugar na yon at di sapat ang liwanag ng headlight ng sasakyan para makita ko ang mga isda kaya saglit lang ako at bumalik na agad sa kotse. Isa pa, I was worried na baka pasukin ng tubig at buhangin ang suot kong balat na sapatos.

Pagbalik sa kotse, di ko pa rin magawang magpaka-pisikal dahil baka masita kami ng ibang kotse at 4wd na dumaraan sa glydel. Pero base sa galaw nya na parang balisa, kamot ng kamot sa nota, palinga-linga left and right to check for any approaching cars, I know he wanted to win (read: magpahada). Sorry, di ko sya pinanalo.

The Vivian who was a friend earlier was now a mother, a preacher. Sa ngayon daw kasi, he cannot envision what he will become 2 or 4 yrs from now. Di pa raw nya alam ang gusto nya. He likes going to school but not studying per se. Parang nakakabagot daw isipin na 2 taon pa ang bubunuin nya sa CNA-Q (College of the North Atlantic – Qatar, a top Canadian university in Qatar) bago matapos. Kaya hayun at pinayuhan ko sya to take his studies seriously 'coz not everyone gets a chance like him na makapag-aral sa isang de-kalibreng eskwelahan gaya ng CNA-Q.

From a friend to a mother to a sweet girl:

It was already past 2 am and he, still at the back of d steering wheel, drove towards doon uli sa Corniche, pero this time sa Doha port naman. He's going to show me raw a secret place that I surely would love. Nakakapagtaka na sa ganung oras there were still few cars coming to and from that place. I would know the reason why raw bakit matao pa rin sa ganong lugar sa ganong oras once I saw the place. At yun, bumulaga sa akin ang seaside na elevated ang land na daanan ng kotse at mababa naman ang dagat. Ang ganda ng view --- looking at the skyline from that vantage point, parang kita ko ang buong doha! It’s as if skyscrapers, whose lights flicker from afar, were colorful ornaments that breathe life to the languid sea.


Sinamantala ko ang inviting na tanawin don para mag-umpisa akong magpa-tweetums (slight). Di na ako nakatiis. From time to time, I would be playing with the curls of his hair, stare at his face or touch his arms and back. I complimented his good looks and told him that what i really liked sa mukha nya ay yung eyes nya: kulay brown, maganda ang lashes, di ganun ka deepset at ka-mulagat bagkus ay slight singkit sa dulo. Ang gwapo nya, hehbi! Sa dilim, tingin ko ang kasama ko dat moment eh si Colin Farrel! Ladlad na kasi that time ang mahaba at alun-alon nyang buhok, walang oil na mukha, brown na mata na naniningkit pag tatawa, at red na lips. The music playing: “Somebody's Me” by Enrique Iglesias (na paboritong-paborito raw nya) na makailang beses nyang inulit habang sinasabayan.


It was almost 3 am. He bought me a tea before we left that area at musika naman ni Akon at Neyo ang pinatugtog nya. Katuwa yung bagets na yun kasi mahilig sa musikang Ingles. Kabisado halos lahat ng lyrics ng kanta ni Akon at Neyo. With matching inda-indayog pa yon habang nagda-drive at saka titingin sa akin at ngingiti...Sa loob-loob ko: “Juice kow ano bang mukha ito? Me ganito ka-gwapo bang lalaki ba Pinas na sasama on da ispat sa bakling? Me mukhang ganito ba sa Pinas na ngingiti nang ganito sa bakling?

Mula sa Doha port ay sya uli ang nagmaneho, this time ay pauwi na sa bahay nila. Aliw na aliw raw sya sa musikang asa car stereo ko kaya hintayin ko raw sya sa tapat ng bahay nya para kopyahin sa laptop nya yung songs sa USB ko. Komo hating-gabi na at di na ako makapaghintay, sabi ko dalhin nya na lang at isauli na lang sa akin kinabukasan.

Exchanged good nights and good byes. Pagtayo nya mula sa sasakyan, he leaned towards me and planted kisses on my left and right cheek. Before i closed the car window, he opened the door and asked: "You didn't tell me how's my drive?"

I answered: "Great!"

At saka ko pinatakbo ang sasakyan habang baun-baon ang walang mapagsidlang kilig at saya sa puso ko. Alam kong kukulangin ako sa tulog ng gabing yon pero di na ito mahalaga.

Bata pa si Wael so i don't expect much from him. Ang mas mahalaga: gusto ko sya, gustung-gusto.

Monday, May 5, 2008

Welcome back, Kinang! (A Tale of a Resurrected Car)

May 5 ngayon — eksaktong isang linggo mula nang mabuhay si Kinang. Kung pwede nga lang i-celebrate ito eh baka naipaghanda ko pa sya: ipagluto ng pansit, ibili ng cake at lobo. Kaso parang masyadong maaga ang isang lingo to call for a celebration kasi di ba madalas dapat anniversary or at least monthsary? Wala naman yatang celebration na kung tawagin ay weeksary, masyado ng OA yun! Isa pa, di naman maa-appreciate ni Kinang yung ganitong kasayahan kasi di naman sya nakakakita o nakakapagsalita (pero alam ko nakakarinig sya at nakakaramdam). Di naman kasi tao si Kinang.



“Kinang” kung tawagin ko ang kotse ko. Isa syang Suzuki Liana sedan na kulay Silver, na binili kong bago nung 2004, manual ang gear, powered ang windows, may 1.4L engine, at black ang upholstery. Kinang ang pangalan na bansag sa kanya ng kaibigan kong si Mara kasi ayon sa kanya, makinang ang kintab ng katawan nito (si Mara din ang nagbansag sa una kong kotseng drinive sa Qatar: white 1989 Daewoo Lemans. “Bulag” naman ang tawag niya rito kasi mukhang OK sa panlabas pero ang totoo, maraming chismis, hahahaha!). Hanggang ngayon nga, maraming nagtataka na apat na taon na si Kinang kasi makinis at makinang pa rin ang kaha nito. Mukha pa raw bago. Mukha raw well-maintained.



Yun ang akala nila. Sa loob ng nakalipas na 4 na taon, ni di naranasan ni Kinang maipasok sa Main Service ng Suzuki for routine maintenance. Puro change oil at oil filter lang every 5,000 kms ang drama ko sa kanya. August last year, bumigay ang A/C ni Kinang pero di ko pa rin ito pinagawa kahit pa nakakatusta ng balat nung panahon na yon. Tiniis ko yon kasi ang rason ko, ilang buwan na lang di ko na po-problemahin ang A/C kasi malamig na kasi Disyembre na. Bukod sa sirang A/C nagkaron din ng problema si Kinang sa axle boot ng kanang gulong nya sa harapan. Dahil dito, maingay si Kinang kapag liliko ka. Lumalangitngit. Imperness, kapag diretso ang daan, smooth pa rin at walang ingay kung tumakbo si Kinang. Nitong April 12 (so do the math from August last year kung ilang buwan kong dineadma ang sakit ni Kinang) tuluyan nang bumigay si Kinang. Di ko pinansin ang hot engine temperature na waning signal sa dashboard nito nung huli ko syang ginamit papuntang volleyball court. Pinatakbo ko pa rin sya kahit makailang beses nya akong itirik sa kalsada nung araw na yon. Para syang agaw-buhay na sisinghap-singhap. Doon lang ako nag-decide na ipasok sa Main Service ng Suzuki si Kinang kinabukasan.

The shock of my life came nang sabihin sa akin ng service advisor na wala ng pag-asa si Kinang kasi nag-overheat ang engine nito. He suggested 2 options to revive the car: 1) i-overhaul ang damaged engine to the tune of QR 65,000 (equivalent lang naman sa 715,000 pesos) o 2) bumili ng bagong makina sa halagang QR 23,000, mas mataas pa sa resale value ng sasakyan ko kung sakali! Di agad ako nakasagot nang ibalita sa akin ito ng mekaniko. Ganun pala pag nakarinig ka ng news as bad as pagkawala ng isang napakaimportanteng bagay sa buhay mo, parang blangko ka lang, di ka maiyak, di ka nalungkot. Parang pumasok lang sa isang tenga ko ang balita at lumabas sa kabila. Di ako makapagdesisyon right there and then kaya sabi ko na lang sa mekaniko, tatawagan ko sya. Blangko ako.

Akala ko nga di ako maiiyak sa pagkawala nya; yun pala magsi-sink in lang ang lahat pagkalipas ng 2 araw. Finally yung moment na hinihintay ko nung ibinalita sa aking patay na si Kinang eh dumating na. Napaiyak na kasi ako.

Ganun pala yun? Grabe, ang bigat sa feeling, shit! Pano pa kaya kung mahal sa buhay ang mawawala di ba? Pano pa kaya yung feeling nang mawalan ka ng paboritong alaga? Ng anak? Ng asawa? Ng kapatid? Ng magulang o ng matalik na kaibigan? O ng boyfriend?

What made me cry is nung makita ko yung vacant slot ng parking sa bahay...na ibang kotse na nirentahan ko lang ang umookupa...para pa nga akong luka-luka na kinakausap mula sa kinauupuan ko ung kotseng nirentahan ko. Tanong ko: "Kinang, hindi ba ikaw yan? Bakit iba na naka-park sa puwesto mo ngayon?"

"Ang daya mo naman, pinagastos mo pa ako ng QR 3 thousand sa violation ko at QR 500 para sa registration at insurance mo? Last month lang yun at ang saya-saya ko pa kasi pumasa ka di ba? Tapos mawawala ka rin lang pala sa akin. Ang daya mo Kinang…"

Suddenly, nag-flash lahat sa akin ang memories of Kinang's glorious days: yung time na bago pa sya at alagang-alaga ko sya --- binibilhan ko ng wax, shampoo, floor carpet, air freshener, chamois cloth na panlinis, etc.

For sure, mami-miss ko si Kinang kasi andami kong alaala sa kanya:
• Nabili ko sya nung 2004, same year na nabuo ang organisasyon naming FilVAQ (Filipino Volleyball Association – Qatar). Sa kanya ko isinasakay ang mga gamit namin sa liga pati na ang mga officers na hatid-sundo ko. Hanggang sa lumipas na ang 3 liga, sya pa rin ang gamit ko. This time nga lang kumonti na ang pasahero ko kasi karamihan sa officers ay may mga sarili na ring kotse;
• Dito ko hinahatid-sundo ang nanay at tatay ko sa lugar na pinagta-trabahuhan nila;
• Sa loob ako nito natulog nang isang gabing mag-away ang nanay at tatay ko. Di ako makatulog sa sigawan nila kaya don ako umiklip;
• Dito ko isinakay ang hipag kong si Grace nang ipinanganak nya si Jhules, ang una kong pamangkin sa kanya; nag iuwi si Jhules tapos isilang; hanggang sa ipasok sa ospital si Jhules nung magkasakit ng malubha (Kawasaki disease) at ilabas matapos gumaling;
• Kay Kinang ko rin pinagpraktis ang mga kaibigan kong sina Jackie at Mara bago sila sumalang sa driving exams nila;
• Si Kinang ang kasa-kasama ko araw-araw nung 2006 Doha Asian Games. Tuwing umaga, suut-suot ang puti at berde naming uniporme, dadaanan ko pa ang kaibigan kong si Jackie sa bahay nila para isabay sa venue ng beach volleyball kung saan kami Technical Officials (TOs);
• Di na rin mabilang ang kapamilya at kaibigan kong naihatid at nasundo sa airport gamit si Kinang; at
• Dito ko rin naisakay ang mga lalakeng naging bahagi ng buhay ko: si Salah, si Glenn, si Aboud, si Paul Chester.

Akala ko ay wala ng pag-asa pa si Kinang. Mabuti na lang me inirekomendang mekanikong Indian ang service advisor mismo ng Suzuki na me mahikang bumuhay ng patay na makina. Kahit di ko kilala pareho ang mga taong ito, di ako nagdalawang-isip na ipagkatiwala sa kanila ang kapalaran ni Kinang. Napagkasunduan namin ng mekaniko na sa kabuuang halagang QR 5 thousand at sa lob ng saktong 1 linggo ay ibabalik nya nya sa akin si Kinang na may maayos na makina at malamig na A/C.

Lumipas ang isang linggo at tinupad ng madyikerong mekanino ang pangako nya: buhay nang muli si Kinang! Ang saya saya ko! Relieved na relieved ang pakiramdam ko. Kaya rekta pagkagaling ng talyer, dumiretso ako sa Carreyfour Villagio to shop for a car floor mat na mabalahibo at malambot. Kumuha rin ako ng apple scented na car freshener para pabanguhin si Kinang.



Nitong nakaraang Byernes lang, naipagawa ko na ang gulong nya at sirang axle boot na sanhi ng ingay nito. Di lang yon, bilang regalo kay Kinang, eh binili ko sya ng JVC stereo with USB slot at 1 pares ng 3-way speakers with tweeter. Mas ma-appreciate siguro ni Kinang ang sterero system kesa sa lobo, cake o pansit kasi kahit pagod sya kakatakbo buong araw ay pareho kaming maligaya kakapakinig ng magagandang kanta.

Ngayon, parang feeling first-timer ako sa sasakyan kasi I’m always looking forward na sumakay sa kanya at maramdaman ang smooth nyang pagtakbo, ang malamig nyang A/C at ang magandang tunog ng stereo niya.

I’ve learned a lot of valuable lessons (although the hard way nga lang) sa nagyaring ito ke Kinang. Indeed, everything happens for a reason.

WELCOME BACK, KINANG!