Wednesday, August 29, 2012

Madyik



Bawat tao me taglay na magic…mala X-factor…kulam…bulong…me kakaibang kapangyarihan na di mo mapaliwanag kung anong meron sa kanya kung bakit me mga taong nahuhumaling sa kanya pero sa yo eh hindi.

Sa baklang malakas ang mahika negra, me lalake syang nagtataka ka bakit tipong sya lang ang gusto.  Na sa inggit mo, minsan tinangka mong agawin sa kanya ang atensyon ng lalake pero nabigo ka.

Kung sex lang ba ang hanap ng lalakeng ito sa kanya, meron ka rin namang bibig. Malamang mas mahusay ka pa nga tsumupa sa kanya. Meron ka rin namang puwet; tumatae ka man o hindi pag inuuring, puwet pa rin yun.

Nasa husay ba nya yon sa kama kaya ganon? Aba bakit, kabisado mo rin naman ang alphabet ng sexual positions, kahit pa animal positons mula aso, pusa, daga, kambing, kuneho, baka, bibe pati ipis.

Ano bang charisma meron sya? Anong charm meron sya? Anong ganda meron sya?

Pera-pera ba? Meron ka rin naman non ah!

Unexplainable nga di ba.

Si Curly Tops, silent type. Very private sa love life nya pero matinik sa lalake. What he wants, imperness he gets.  Magaling bumula sa lalake. Nasampal na nya sya noon ni Lola Ensaymada dahil pati dyowa nito eh nabighani sa bula nya at in the end eh nasulot.

Si Rollie Pollie, kilalang pogi killer. Karamihan sa mga nagiging boyfriends nya eh gwapo namang talaga. Kaloka tong si Rollie, ako dumiscover ng Syrianong gwapo pero sya ang nanagasa. Ewan ko nga ba naman anung merong taglay tong si Rollie kung bakit tuwing magbabakasyon sa Doha si Syrian eh sya lang among many baklang nakanganga at hopya (mapa-Pinoy o ibang lahi) ang mini-meet.  Pero torry sya, kung akala nya sya lang ang maganda, huma-huh (sabay ipit ng buhok sa gilid ng tenga) sa himig ng pagyayabang ngayon  sina Healthy Jug at Pagsanjan Falls dahil pati sila rin eh nagtitle din ke Syrian vhoy.

Si Debbie Gibson pambihira din ang alindog.  Partida pa yon sa aalog-alog nyang pigura pero tanging sya lang ang nakatikim ng paulit-ulit sa napakasarap na dancer cum hotelier na si Harry Potter.  Tangnang Harry to, pag nasasalubong mo sa Fitness First, kala mo sinog suplado at di namamakla, kwidaw kung barenahin ang umare kong si Debbie eh ganun-ganon na lang.

Si Mother Rollie isa pa.  Di naman kilalang maasikaso sa owels. Turo lang ng turo sa kusina at di nagluluto sa dyowa kung darating sa bahay pag dinadalaw sya. Wala kang makikitang sweetness. Madalas pa nga mataas na boses at namimilog na mata ang makikita mo pero bakit ganon, ang mga lalake naman talaga nya eh class A, Lasang buko, solid kung umagos! Ang tatangkad, ang lalapad, ang bi- B.Y.

Si Jocelyn Enriquez di ko alam ang tutoo kung talaga bang matinik sa lalake. Kasi ang lahat ng vera nya eh mula lang sa kwento mismo nya ng dinalaw namin sya nuon sa lugar nya.  Nandyang dyinowa daw sya ng Emirati nyang amo, tumatitle sa loob ng eroplano, mabubuo na ang United Nations sa iba’t ibang lahing bumebet sa kanya sa disco.  Imperness to Jocelyn, I miss him, hahaha (sabay bawi).

Si Black Sto. NiƱo kakaiba rin.  Ibang level na ang nasusungkit nyang mga ombre, me mga struggling extras at varsity players na.  Samantala noong bata pa kami, mga tambay lang sa court ng San Antonio ang hagip nya.  Well, it really pays if you’re in the showbiz circle.

Isa pa tong si Madonna, college pa lang kami malakas din manghatak ng mga lalake sa goya nya. Ang drama nya tropa-tropa. Yayayaing mag-suba o uminom ang mga men, samahan sa mga trip nito pati pagda-dyakol maka-close lang.  Imperness epektib ang mahika ng potah. Aba at his age, ang boylet nyang teen father eh halos pamangkin lang nya ang edad.  Imperness, I’m genuinely happy for him.  Mabisa rin pala talaga ang laway.

Ang susunod eh si Rosanna Roces, hayskul batchmate ko na last year ko lang sa reunion naka-close sa FB.  Mantakin mo ba namang lantaran kung ipost ang mga pics at-itag ang super bagets at gwapo nyang dyowa sa FB? Ke swerte, ang sarap nung bagets! Freshness! Sa inggit ko nga pinakita ko ke Rollie Pollie and asked bakit sila me ganun? Kami, mas mapera, wala, hahaha!

Lastly, wala na akong adjectives to the highest level na maisip para iluklok sa pedestal tong si Biggie Willy.  Bungal na lahat ng ngipin ko sa sobrang gwapo at yummy ng mga lalake nya, especially those Americans, Arabs and Lebanese, grrrr!!!  Pero wag na nya akong artehan, alam ko na ang mahika nya, malaking burat!  Que horror di ba, pa-girl ka, naka-full emyas, long doodles pero mas dako ka pa sa lalake!

Wednesday, October 19, 2011

Reunion

Magagalit nito ang kaibigan kong tranestang Kana pero naka-base ngayon sa Oman at si Mayor; akala nila mahaba-haba ang susunod kong blog, sayang inaantay pa naman nila.

Aba, eh kasalanan ko ba namang magkita kaming muli ng kuya nyo kagabi? Kaya heto muna ngayon, sa susunod na ang pangako ko.

How time flies! 3 taon na pala ang nakalilipas mula ng makilala ko si Wael, half-Lebanese/ half-Palestinian. Nakilala ko sya thru Jackie nang bisitahin namin sya sa Gold's Gym, niyaya sa bahay ng kaibigan, pinaliguan kasi me amoy :p at saka naganap ang dapat maganap.

Huli ko syang nakita last year pa yata sa Petrol station malapit sa bagong arrival terminal ng Doha airport. Sa saglit na pagikitang yon, we just exchanged pleasantries and that was it.

Muli, nagkita kami kagabi nang di inaasahan sa bar ng Merweb Hotel para i-meet at makipag-inuman sa isang kaibigan na galing Dubai. Bitbit sya ng isang lalakeng ipakikila namin sa kaibigang ito. Mas masarap ngayon si Wael: nagbawas sya ng timbang kaya mas bumagay sa kanya.  Kung dati eh mahaba, bagsak at alun-alon ang buhok nya, ngayon ay maigsi at naka-pataas ang ayos. Wala nga akong nagawa kagabi kaya binulungan ko sya,"I hate you coz you're making me weak." Aba, pakitaan pa ba naman ako ng abs eh di ako lalong manghina?



(Heto sya in white tees, 2nd from left, kuha kagabi sa Merwerb)

Pag pinagmamasdan ang kagwapuhan nya, wala akong magawa kundi balikan ang masasayang alalaala ko sa kanya 3 yrs ago: yung pagsundo ko sa kanya sa bilyaran sa bandang airport, cruising around Doha gamit ang sasakyan ko habang sya ang driver, paghinto sa mga drive-thrus ng kainan, tambay sa Corniche lalo na sa lugar na 'overlooking' kung tawagin ko, ang pagbisita nya at pakikipaginuman with friends, ang kakulitan nya at sexyng pagsayaw-sayaw, lalo na syempre ang umaatikabong plakplak hanggang umaga.

Haaaay, kinilig na naman ako sa putah! Halika na dito, akin ka na uli Wael. Sige na please?

Saturday, January 29, 2011

Izzeldin: Ang Boss Ko

Inabot ko sa boss ko ang isang excel sheet ng lahat ng contact numbers galing sa email nya. Bago nya kunin, sabi nya sa akin, simula bukas lahat ng memos na naka-address sa kanya eh huwag ko nang ibigay sa kanya kundi sa isa pang Panang (Indiyano) manager. Sabay abot sa akin ng isang memo.

Sulat sa kanya yun ng kumpanya, pinaaalam sa kanya na huling araw na nya sa katapusan ng January, forced resignation para sa lahat ng empleyado na age 60 and up. 65 na si Izzeldin, ang boss kong Sudanese na may Canadian passport. Don ko lang nalaman na 14 years na pala sya sa Toyota; halos 4 na taon lang ang lamang sa akin.

Di ko nagawang maging emosyonal nang malamang 2 araw na lang sa opis ang boss ko. Sinabi ko lang na nakakalungkot naman yun at malamang eh napaghandaan na naman yun. He saw it coming daw. Ako I saw it coming too kasi alingasngas na yun sa opis ilang linggo na eh. Nitong umaga naman, nasagap ko na rin na kasama nga raw sya sa mga ilang matatandang empleyado na past retirement age na tsutsugiin.

After nyang tingnan ang contacts printout na inabot ko, magpapatulong daw sya bukas na i-save sa USB ang lahat ng personal na files nya.

Pagbalik ko sa workstation ko, at saka unti-unting nagsink-in sa akin ang nangyari at unti-unting nangilid ang luha ko. Para di mahalata ng mga kasamahan ko na namumula ang mata ko, agad akong nangpaitbahay sa opis ni Robin.

Mami-miss ko ang boss ko. Sobrang professional, sobrang bait. As in wala akong masasabing kahit anong kapintasan sa ugali nya at sa naging working attitude nya bilang amo ko. Di ako magtatagal sa kumpanyang to kundi dahil sa kanya.

Sa last day nya, saka na lang uli ako iiyak...