Magagalit nito ang kaibigan kong tranestang Kana pero naka-base ngayon sa Oman at si Mayor; akala nila mahaba-haba ang susunod kong blog, sayang inaantay pa naman nila.
Aba, eh kasalanan ko ba namang magkita kaming muli ng kuya nyo kagabi? Kaya heto muna ngayon, sa susunod na ang pangako ko.
How time flies! 3 taon na pala ang nakalilipas mula ng makilala ko si Wael, half-Lebanese/ half-Palestinian. Nakilala ko sya thru Jackie nang bisitahin namin sya sa Gold's Gym, niyaya sa bahay ng kaibigan, pinaliguan kasi me amoy :p at saka naganap ang dapat maganap.
Huli ko syang nakita last year pa yata sa Petrol station malapit sa bagong arrival terminal ng Doha airport. Sa saglit na pagikitang yon, we just exchanged pleasantries and that was it.
Muli, nagkita kami kagabi nang di inaasahan sa bar ng Merweb Hotel para i-meet at makipag-inuman sa isang kaibigan na galing Dubai. Bitbit sya ng isang lalakeng ipakikila namin sa kaibigang ito. Mas masarap ngayon si Wael: nagbawas sya ng timbang kaya mas bumagay sa kanya. Kung dati eh mahaba, bagsak at alun-alon ang buhok nya, ngayon ay maigsi at naka-pataas ang ayos. Wala nga akong nagawa kagabi kaya binulungan ko sya,"I hate you coz you're making me weak." Aba, pakitaan pa ba naman ako ng abs eh di ako lalong manghina?
(Heto sya in white tees, 2nd from left, kuha kagabi sa Merwerb)
Pag pinagmamasdan ang kagwapuhan nya, wala akong magawa kundi balikan ang masasayang alalaala ko sa kanya 3 yrs ago: yung pagsundo ko sa kanya sa bilyaran sa bandang airport, cruising around Doha gamit ang sasakyan ko habang sya ang driver, paghinto sa mga drive-thrus ng kainan, tambay sa Corniche lalo na sa lugar na 'overlooking' kung tawagin ko, ang pagbisita nya at pakikipaginuman with friends, ang kakulitan nya at sexyng pagsayaw-sayaw, lalo na syempre ang umaatikabong plakplak hanggang umaga.
Haaaay, kinilig na naman ako sa putah! Halika na dito, akin ka na uli Wael. Sige na please?
No comments:
Post a Comment