Tuesday, July 1, 2008

In fairness

A few days back I decided to change the title, hence website address, of my blogsite; I felt that its initial title “desertchikaofbebe” was too bland, walang dating. Ang dating ng title na to “kwentong disyerto,” na napag-isip isip ko na parang ang pangit. Unang-una me TFC program with same title tungkol sa events at achievements ng Filipino expatriate community sa Gulf region including UAE, Saudi, and Qatar. Pangalawa, parang masyadong chismis ang dating ng word na “chika” eh wala naman akong ichinichismis dito sa site kong to. I feel that my blogsite title deserves a more suitable title na mas may dating, ung baklang-bakla, ung mas me recall kumbaga, and of course, yung mas maikli para kahit di i-save ng mga friends ko ang address sa Favorites nila, matatandaan agad nila should they decide to visit it.

It did not reach a point that I came out with several titles in mind to eventually shortlist them and come up with the best. In fact, isang title lang ang biglang pumasok sa isip ko. Walang 2nd choice, walang 3rd. Sya na agad: “imperness” (to mean: in fairness) ang napili ko! Thus, my blogsite address is now http://imperness.blogsite.com. Bongga!

Siguro I was inspired by one of John Lapuz’s blogs (that I really enjoy reading) sa PEP (Philippine Entertainment Portal) way back September last year with the same title. Isa raw sa favorite expressions nya yung in fairness at nakakatawang isipin na lately lang daw nya nalaman na 2 words ang spelling nito, and not 1 word na akala nya (he used to spell it in his blogs before as infairness --- wag nyong isipin na pati ako eh kasing-tanga ni Sweet pagdating sa spelling kasi 1 word din lang ang spelling ng blogsite ko, hahahaha! Well, it is because di maganda gumamit ng underscore as space sa address kaya winanword ko na lang. Mas maikli, mas madaling tandaan at i-type kc yung iba di alam kung saan hahanapin ang underscore sa keyboard, hahaha!)

I agree with Sweet that the expression “in fairness” exudes positivity as it brings the good out of the bad, the sunshine after the rain, the silver lining after a dark cloud. Tamang-tamang pamagat di lang ng blog na ito kundi ng blosite pa as I am a very positive person.



Andami ring imperness sa buhay ko:

Ayon sa Nanay ko, 8 buwan lang nya ako ipinagbuntis. Sabi nila, mas malaki raw ang tsansa ng “pitu-pito” (pinagbuntis ng 7 buwan) na mabuhay kesa sa walo. Pag nabuhay daw ang batang ipinagbuntis ng walong buwan, either masakitin o abnormal or matalino. In fairness, tama nga sila kasi nabuhay ako. Tama nga sila kasi naging masakitin din ako kasi labas-masok daw ako sa ospital nung bata ako kung saan tae’t suka ang madalas kong sakit. Tama sila kasi lumaki akong matalino. At tama ngang talaga dahil abnormal din ako, hahahaha!

Nung Grade 1 ako, section 18 ako kasi late enrollee ako. Nahihiya ako nun kasi alam nilang bibo akong bata pero nasa mababa akong section. Di ba sa atin, ang basehan sa elementary at high school kung mahusay kang estudyante, kung nasa cream of the crop ka eh kapag nasa mataas kang section gaya ng Section 1 or 2? Kaya pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko at pinsan ko kung anong section ako nung grade ako, mahina akong sumagot kasi nahihiya ako. In fairness, I graduated as first honor ng section ko! 2nd time kong umakyat sa entablado non (after kindergarten) kaya proud na proud sa akin noon si Nanay. Alala ko pa, sa Max’s Escolta kami kumain noon after ng Recognition Day. Hayun, nung Grade 2, syempre section 1 na ako.

There were a few instances nung elementary ako and even in high school na natatae ako kapag pauwi na ako. Walking distance din lang naman ang mga ito to and fro our house kaya kapag maganda ang panahon at me makakasabay na kaibigan o kaklase pauwi, naglalakad lang ako. Kapag ganung natatae ako habang naglalakad, di ko malaman kung anung gagawin ko: kung maghahanap ba ako ng magandang pwesto sa gilid ng kalye para don ilabas ang ‘sama ng loob,’ o kung babalik ba akong muli sa skul (kaso nakakaninis bakit ba ang call of nature eh dumarating kapag malayo na ako sa skul?). Grabe ang feeling: namumutla ako na ninenerbyos na nanganglisag ang balahibo na nanlalamig at di mapakali. Di naman ako pwedeng tumakbo o maglakad ng masyadong mabilis, kasi the more effort and strain you put in your body, baka malaglag na lang ng bigla, hahahaha! Kaya I remember na kadalasan kapag ganun ay maglalakad ako ng medyo marahan habang slight pinupukpok ang shorts ko pataas para umakyat at wag malaglag, hahahaha! In fairness that technique always proved to be effective, dahil nakakaabot naman ako sa CR ng bahay at saka don maluwalhating naibubuhos ang kanina pa gustong kumawala.

Bago kami lumipat noong 1991 sa kasalukuyang bahay namin sa Camella Homes Bacoor, Cavite, isang maliit na silong (tawag sa maliit na kwarto o bahay na nasa ground floor) sa Barrio Sto. Niño, Tondo ang kinalahihan at kinagisnan namin bahay. Dito, sama-sama na ang kusina, sala at tulugan. Walang kwarto. Wala ring CR at don kami nakiki-banyo sa isang common CR sa labas o sa bahay ng lola ko sa tapat. Wala ring bintana. Imadyinin mo na lang kung gaano kainit sa isang silong na walang bintana. Paano na kapag summer? O kapag nagluluto si Nanay? Di pa uso ang aircon noon. Sa iisang malaking kama, don si Nanay (na madalas ay mag-isa naman komo at the age of 7 eh asa abroad na si Tatay), tapos ang kuya ko at ako sa dulo. Sa sala, sa tapat ng TV, don ang bunso namin o kung sinong gustong makipaghalinhinan. Binabaha tong silong na to. Kapag tag-ulan at malakas ang bagyo, common scenario na naglilimas kami ng tubig-baha. Nagigising kaming mataas na ang tubig sa loob ng bahay at inaabot ang kama at iba pang appliances kaya lalagyan namin ng kalso o tungkod na kahoy ang paa ng TV, kama, ref, etcetera para tumaas at di maabot ng tubig. Up and down ang pinanggalingan ng tubig: sa tagas galing sa taas ng bahay at sa baba galing sa baha. Luma na ang silong na to kaya ang kisame ay punung-puno ng dumi at kalat mula sa bulok na kahoy at dumi nang pinagwalisan sa taas ng bahay. Kapag me bumabagsak na mabigat na bagay o me pumapadyak sa itaas, babagsak ang dumi ng kisame na ikapupuwing mo. Kahit anong spray mo naman ng insecticide, komo luma na, naging constant companions na namin ang mga ipis, alupihan bubwit at daga. Masikip, mainit at mahirap ang buhay namin sa silong noon. In fairness, kahit maliit sya, kumpleto kami sa gamit like TV, ref, component, betamax at Atari. In fairness, kahit maliit sya ay maaliwalas naman kasi maayos sa bahay si Nanay --- bumibili sya o nagpapatahe ng takip ng ref, takip ng TV, takip ng component, kurtina at kobre-kama. In fairness, kahit maliit sya gustung-gustong tambayan ‘to ng mga kaibigan ko at mga kamag-anak dahil laging may masasarap na pagkain. In fairness, kahit masikip, mainit at mahirap sa silong na iyon, karamihan naman sa magagandang alaala ng unang labinlimang taon ng buhay ko ay dito nagmula.


Si Tupe

Maaga akong namulat sa mundo ng kabaklaan at lumandi. At the age of 14 (3rd year ako noon sa Abad Santos High School sa Binondo at 2nd year naman ang best friend kong si Tupe sa Letran sa Intramuros), nakikipag-date na kami noon sa mga crushes namin na taga-Binondo. Partner nya si Wally o si Jeric at sa akin naman ay si Badje. Madalas na puntahan namin noon ay Wendy’s Escolta. Laging may pera noon si Tupe galing sa baon nya o sa inipon nyang kupit sa tindahan nila na ipinatatago nya sa akin sa buong araw at kokolektahin kapag gabing me lakad na kami. Malakas ang loob ni Tupe pagdating sa lalake kasi maykaya ang pamilya nila. Lagi syang may pera at magaganda ang gamit nya. Kahit bata pa lang ay natutunan ko nang maglandi, in fairness, dahil kay Tupe ay una kong natikman ang Frostee at salad ng Wendy’s, manood ng sine sa Harrison Plaza na baon ay Mango Brutus fruit shake at Piattos, makipagtitigan o makiusyoso sa mga bakal boys sa Harrison Plaza, makaamoy ng mga branded na pabango from Christian Dior at YSL, at matutong magdamit ng maayos (pinahihiram nya kasi ako ng magagandang walking shorts at tshirts pag may malakasan kaming lakad). Dahil sa athlete si Tupe sa iskul nila, in fairness, dahil sa kanya kaya kahit bagets pa lang ako ay nakakita na ako ng hubad na katawan at ari ng mga lalakeng atletang naliligo sa shower room. Dahil sa kanya kaya ko nakita at nakakwentuhan sina Jolina, Roselle Nava at Gio Alvarez ng Ang TV nang mag-concert ang mga ito sa gym nila. In fairness, dahil sa kanya kaya ko nahada ang pangarap kong gwapo, matangkad, makinis at mabangong kapitbahay namin na si Willie. Feat na siguro ito sa buhay ng batukling (batang bakling) kaya proud ako, hahahaha!

Tutor ko si Tupe sa English at ako naman ay Math at Science sa kanya. Kung sya ay maraming mga kwento gaya ng Beowulf na naikukwento sa akin, ako naman ang tagapag-solve ng problems nya sa math o tagapag-drawing sa notebook nya ng parts of animal and plant cells, division of cells, parts of microscope, at laboratory apparatus. Minsan, me declamation contest sa school nila at ako ang sumulat ng contest piece nya. “Aborted Child” ang pamagat. Madalian lang ang pag-practice namin ng panlaban nya. Ako nagturo sa kanya ng tamang emote, intonation pati na ng damit na isusuot. Sabi ko puting tshirt na maluwag para me awa effect. Hayun, kahit pareho kaming salat sa experience at kaalaman sa declamation, in fairness, Tupe won as 3rd placer! In fairness, fast forward to college years, “Aborted Child” would later on become my winning talent piece sa Mutya ng Pamantasan beauty contest that made me win the first-ever “Miss Talent Grand Slam” award (for being Miss Talent for 3 consecutive years) alongside Fred na magician na nagpapa-dart ng likod!

Taong 1993 nang una akong sumali sa gay beauty contest kung saan mga estudyante lang ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang kalahok. Sosyal ang kontes kasi sa Casa de Manila (isang dungeon restaurant) sa Intramuros ang venue. Bilang first-timer, wala pa akong alam sa tamang paghahanda o susuotin. Ni di ko nga alam bakit Uruguay ang napili kong bansa. Basura lahat ang suot ko mula makeup, wig, swimsuit at long gown. Di professional na makeup-artist ang nag-ayos sa akin, kaibigan ko lang na kaedaran. Buhok ko ay barbers na pinatungan ng binilog na maikling wig na nagsilbing beehive. Long gown ko ay kulay violet, velvet ang tela pero dahil sa tangkad ko ay bitin – as in labas na ang bandang baba ng binti ko kaya kailangang hapitin ko ng hapitin ang gown pababa bago ako lumabas sa stage, hahaha! In fairness, kahit kulang sa preparasyon at magagandang gamit, hakot award ako ---nanalo akong Miss Talent, Best in Casual Wear, at 1st Runner Up!


Si Michelle

Speaking of gay beauty contest, let me share a short story about a college bestfriend named Michelle na nakalaban ko rin sa Mutya ng PLM. Mataba at maitim si Michelle nung early years namin sa college. Lagi syang tampulan ng tukso dahil sa kulay nya at bulto ng katawan nya. In fairness, kahit ganito ang napagdaanan nya, sa kanya ko nakita ang kaganapan ng proverb na “Patience is a virtue.” From the insecure dark-skinned, corpulent person that he was, dahil sa tyaga kaka-astringent and strictly adhering to a strange diet regimen (Sky Flakes and Coca cola) nung late college years namin, he turned into a confident, fair and, slim beauty who would later on become one of the most beautiful faces sa larangan ng gay pageant and after her Japan stint became our ountry’s representative to Miss Queen International (a famous contest for trannies in Thailand) in 2004 where she placed as a finalist. In fairness, she proved that obtaining a college degree is not a pre-requisite to success. Iniwan nya ang kolehiyo to focus on her goal to be a performer in Japan and is now an accomplished person na me sarili ng 3-storey house sa Fairview, sariling sasakyan at lupa.

My maternal Lola Norma succumbed to breast cancer na kumalat sa buto in 2003. Mahaba-haba rin ang itinagal pa ng buhay nya since she underwent mastectomy in 1994. Maka-lola ako. I was at her bedside sa Mary Johnston’s Hospital near the Sto. Niño church after the surgery, and it was so painful to see an old woman, especially sarili mo pang lola, undergo that ordeal considering mahihina na ang katawan ng tulad nila. Wala na ako sa Pinas during the latter stages of her sickness from 2002-2003, nung mga panahon na morphine (also used as analgesic for painful bone crisis) na ang tinuturok sa kanyang gamut, nung bumagsak na ng husto ang katawan nya at di na sya makaupo o makatayo sa upuan at higaan nya, at nung humihiyaw at pumapalahaw na sya sa sobrang sakit. Di ko yata kakayaning makita ang lola ko sa ganung kalagayan.

Umuwi kami ng Nanay ko sa Pinas nung 2003. Nung araw ng libing, di mo mabilang sa dami ng tao na naghatid sa kanya sa huling hantungan. Well-loved kasi ang lola ko sa lugar namin dahil napakamatulungin. Takbuhan sya ng maraming tao para hiraman at hingan ng pera o pagkain. Sya yung tipo na isusubo na lang, ibibigay pa sa ibang tao, sa mga kamag-anak, sa mga apo. Hinahangaan sya dahil nakapagpaaral sya, katulong ng lolo kong driver ang trabaho nung kabataan, ng anim na anak at mga apo at nagkaron ng sariling bahay mula sa katas ng pagtitinda ng lugaw sa Divisoria. Grabe ang iyak ko nung libing, walang habas ang bagsak ng luha ko mula paglabas namin ng bahay hanggang sementeryo. Kahit napakahirap at napakasakit nang pinagdaanan ni Lola, in fairness nung hinagkan ko sya, banaag pa rin sa mukha nya ang kaaliwalasan at kapayapaan. Kahit iniwan kami ng katawan nya, in fairness hindi ng mga magagandang alaala namin nung nabubuhay pa sya.

Dito sa Qatar, andami ring imperness na nangyari sa buhay ko.

Nung 2006 Doha Asian Games, nagkaron ng Torch Relay para sa mga expatriates. Kung ang karaniwang torchbearers sa isang high-profile sporting event ay mga pamosong atleta o showbiz personalities, dito sa Qatar, they gave the expatriate community to carry the honor of carrying the flame as gesture of thanks to their contributions in its economy. At present, merong approximately 1.1 million na populasyon ang Qatar, lagpas 800,000 dito ay binubuo ng expatriates. Pinakamarami ang India, ganundin ang Nepal, Palestine at Egypt. Sa bilang na ito, may mga 73,000 na Pinoy. Out of this 800,000 expat population, pumili sila ng 1,000 lang na magiging torchbearers na dadalhin ang apoy sa ibat-ibang bahagi ng Qatar hanggang sa ipasa ito sa Qatari personalities sa Opening ng Games. In fairness, isa ako sa napiling torchbearers (one among less than 10 na Pinoy na napili) where I ran the Wakrah-Mesaieed leg --- an event that will be one of my proudest and most memorable.
Di na ako bago sa kabog. Ilang beses na akong nakaranas nito sa Pilipinas pa lang, kahit wala naman akong inaaway. Takaw-kabog yata ako dahil sa palaban kong galaw at hitsura at pananalita, hahahaha! Nakabog sa mukha nang mapagtripan ako ng lalakeng nakainom habang me binibili akong sitsirya sa Intramuros. Nakabog din ako sa panga sa loob ng dyip sa Sampaloc nang walang kaabog-abog eh sinuntok ako ng lalake na kapwa ko pasahero. Wala akong matandaang nag-usap kami, nagkatinginan para magalit sya sa akin. Tantya ko, nairita sya nang makita nyang malandi kong winawagayway ang bengaline slacks ko habang papasakay pa lang ako ng dyip, hahahaha! Walangyang lalake at pobreng bakla! Nakabog na rin ako ng kuya ng kapatid na gwapong lalake na nakaaway namin ni Tupe. Inasar namin ni Tupe ang kapatid nya, kinuha ang hinubad nyang t-shirt na nakasabit sa bakal ng court, inihian at saka nilublob sa kanal. Malditang mga bakla, hahaha! Hayun at nagsuntukan ang dalawa, habang ako eh nasa gilid at cheer ng cheer ke Tupe. Natalo ang lalake ke Tupe. Siguro dahil sa galit ng kuya na gustong ipaghiganti ang nakababatang kapatid nya, ako ang napagbuntunan ng ng galit at ako ang sinapak. Again, pobreng bakla, hahahaha! Di man ako masapak, naranasan ko na ring masabuyan ng tubig habang rumarampa kasama ang schoolmates sa kalye ng San Nicolas, Bacoor o mabuhusan ng mabahong kaning-baboy sa tulay sa Guadalupe Viejo, Makati.

In fairness, these experiences made me a true palaban. Di na ako basta umaatras o nagsasawalang-kibo. Di komo lalake sila eh mas malakas sila kesa sa bakla, mang-aagrabyado sila ng bakla, na basta na lang mananakit at mambabastos nang walang dahilan. Sa Tondo, meron kaming lalakeng inupakan ng mga kaibigan ko sa bandang Moriones after kaming bastusin nang wala namang dahilan. Hayun, kinuyog namin nila Dante at Nataniel at saka pinagsusuntok ang lalake na nalugmok sa kalye at nagmamakaawang tigilan na ang kabog sa kanya, hahaha! Dito sa Qatar nuong nakaraang taon lang, me isang kabataang Qatari na nangungulit na kinukuha ang mobile number ko at komo di ko pinapansin ay walang kaabog-abog na lumapit sa akin, hinarass ako at binuksan ang pintuan ng kotse at hinawakan ng mahigpit para di ako makaalis. Dahil sa sobrang inis nya dahil nakikipagsigawan na rin ako sa kanya ay bigla na lang ako inundayan ng suntok na dumapo sa bandang batok ko. Mas malaki ang bulto sa akin ng batang yon, pero in fairness, mabilis akong gumanti at saka isang malakas na suntok ang pinadapo ko sa mukha nya na agad nyang kinabagsak. Knockout, hahahaha! At saka ako nakakita ng pagkakataong maisara ang kotse ko at saka mabilis na umalis.

Sa loob ng pitong taon, ilang buwan lang yata ako nakaranas makatanggap ng suweldo na buong-buo. Yon ay nung nasa LG pa ako nung 2001, ang una kong trabaho bago ang Toyota. Lagi kong kahati ang bangko dahil sa financial obligations ko sa kanila. Me personal loan ako, credit card at nung taong 2004, dumagdag pa ang vehicle loan nang kumuha ako ng bagong kotse. Nakakalungkot man na laging bawas na ang suweldo ko bago dumating sa kamay ko, in fairness ambilis ng panahon at halos di ko namalayan na 4 na taon na ang lumipas at patapos na ang 4-yr car loan ko!

Me ilan akong kaibigan dito sa Qatar na kino-consider kong mga pinaka-matalik na kaibigan.
Bukod kina Dante, Lady, Shine, Michelle, and Tupe na besprens ko na since my Tondo days, andyan sina Neil, Mara, Ver, Regie at Jackie.


Si Shine

Kahit di ko na kasama si Shine dito sa Qatar, it’s worth dedicating a paragraph or two sa kaibigan kong ito. Mahiyain na wala sa lugar si Shine. Para syang bata kasi sa edad nya ngayon, mahilig pa rin syang magbibili ng mga abubot gaya ng maliliit na pangdisplay o pambabaeng pitaka. Paranoid din at maraming mga unwarranted fears at doubts sa mga gagawin nya. Certified Juliet (read: makulit) ang bakla kasi kahit na-confirm mo na sa kanya ang isang bagay, uulit-ulitin pa nya sa iyo yon or itatawag pa sa ibang kaibigan. Pagdating sa mga lalake, mahilig nyang inuumang ang mukha o malaki nyang bibig sa mga ito sa unang pagpapakilala pa lang. Kung bumeso sya sa pisngi namin, laging basa, hahahaha! In fairness, lab ko si Shine kasi nakaka-miss ang pagiging Juliet nya, maalalahanin, mahilig magluto para sa mga kaibigan, masipag sa gawaing bahay, pino kumilos, mahusay at focused sa trabaho, amazing ang Powerpoint skills at matulunging anak at tito.


Si Neil

Si Neil ay me ugaling deny ng deny ng feelings o impressions nya sa lalake. Kahit gwapo na o malaki ang katawan, sasabihin pa nya ordinaryo o katamtaman lang. Pag hinuhuli mo sya, lagi nyang sagot: “was, was” to mean wala o hindi. Sa kanya namin unang binansag ang “consi” kasi inconsistent sya. Iba ang sinasabi nya sa email sa talagang ginagawa nya. In fairness, kahit ganon si Neil, I lab him kasi good conversationalist, mabilis at ma-appeal sa lalake, me masiglang ispiritwal na buhay, cool na cool even at the most pressuring situations, bihira mo makitang magalit at masipag at me sariling-kusa na katrabaho sa organisasyon. In fairness, wala sa hitsura nya at kilos nya na makati rin sya, hahahaha!


Si Mara

Si Mara ay me pagkamataray. Sa lahat sya lang ang rektang mang-award sa akin kapag nagugulo ko ang ayos ng kama at kwarto nya kapag may lalake ako. Kapag masagwa sa paningin nya ang kilos ko at emote sa publiko, sya agad ang rektang sasaway sa akin. Me ugali rin syang mapagtago ng mga sikreto tungkol sa buhay pag-ibig nya o sa mga lalake nya kaya binansagan namin syang “saylen” (read: silent). Until now, di nya inaamin na nagkainteres lang sya sa volleyball player na hayagan kong hinahangaan nang malaman nyang muntik na itong mahagip ni Shine at tinanggihan ko naman ang tangka ng kaibigan nitong i-date ako rito. Ayon sa kanya noon nya pa ito gusto at noon nya pa alam ang number nito. Di ako naniniwala kaya nasabi ko sa kanya ang pamosong one-liner ko: “ipapuputol ko ang daliri ko, ipapuputol ko ang daliri ko,” hahahaha! In fairness, lab ko rin si Mara kasi napaka-vain sa mukha, talented (mahusay na dancer, host, event organizer at talent discoverer --- sya ang nag-bigay sa akin ng lakas ng loob na sumali sa isang singing kontes sa Qatar at nagsabak sa akin sa mga production shows na me kantahan), thoughtful, magaling magluto at higit sa lahat, napaka-responsableng anak, tito at kapatid.


Si Jessica

Si Ver o Jessica ang sa tingin ko na kahit mahinhin kumilos at magsalita ay sya namang pinakamalibog. Marami syang suki. Jessica ang pumatok nyang pangalan na ako ang nagbansag. Naging kahawig nya kasi si Jessica Rodriguez after nyang magpa-opera ng ilong. Mukha syang babae pero versatile sya, minsan top at minsan naman ay bottom, hahahahaha! In fairness, kahit ganon si Ver I also lab him kasi mahinahon magsalita, magaling gumiling sa disco ng Ramada (hahahaha!), komedi sa sarili nyang mahinhing style, me ispiritwal na buhay at napakatulungin sa mga kamag-anak. Lahat na yata ng Castillo clan (kapatid, pamangkin, bayaw pati na yata kapitbahay) ay nadala nya sa Qatar at ngayon ay me kanya-kanya na ring trabaho.


Si Regie

Kapag nagsalita si Regie, baklang-bakla ang boses nya na me kulot sa dulo. Bukod sa mahaba nyang mukha tulad ko, wala na yata akong maipipintas sa kaibigan kong ito. In fairness, homebody kasi at faithful sa partner na bihira mo makita sa karamihan ng bakla. Sya ang laging nagpapaalala sa akin na bumehaved. Sya ang patunay na kayang mabuhay ng isang nilalang, o ng isang bakla, nang halos 2 taon nang di nakikipagtalik sa lalake. Me iniwan kasi syang boyfriend sa Pilipinas, at pangako raw nya na di sya titikim sa iba, at nagawa nga nya! Ngayon, kasalukuyang asa Hongkong si Regie nagbabakasyon kapiling ang dyowa nyang gwapo at maganda ang katawan na sabik na sabik sa puki nyang masikip at di nagamit sa halos 2 taon. In fairness kahit di kami madalas magkita, Regie is a very reliable friend. Di man kami magkasama every weekend, I see to it that we always talk over the phone.


Si Jackie
Jackie is a certified Mosang (kahit ayaw nyang tanggapin kasi must daw na makabog muna ang isang tao dahil sa chismis bago ma-consider na tsismosa). Sya rin ang ultimate “Carol” (Carol Dawdaw mula sa Carol Dauden) dahil hilig nya ang makisawsaw sa lalake ng iba, ung makihipo, makihimas, makisubo. Para sa kanya kahit di nya maisubo ay okey lang basta mamasahe nya ang katawan o mahimas nya. Kapag nakakita sya ng lalakeng pasok sa panlasa nya ang hitsura o katawan, sya yung literally eh nanghihina. Bubuntunghininga, na sasamahan pa ng padyak ng paa sabay sabi ng “Juice ko!” Kung makapamilog din ang mata nang futah kapag nakakakita ng barda ay ganun-ganon na lang. Magastos tong bakla na to. Brand-conscious pa (international huh? Pintasera at tinataasan ng kilay ang mga Filipino brands pati na Filipino movies, TV variety shows at soap operas). Di sya punctual kasi pag me usapang oras ng lakad, darating ka sa bahay nya nang nakabihis ka na pero sya ay di pa nga nakakaligo o nakakabihis, natutulog pa! Matalas din ang bibig nya. Last month, nag-away kami sa text lingid sa kaalaman ng close circle of friends namin at sinabihan pa nya ako ng “plastic at masama ang ugali.” Naayos naman agad yon kinabukasan. Kung mapapansin nyo na marami akong nasasabi tungkol ke Jackie, in fairness ang dami ko rin kasing magagandang masasabi tungkol sa kanya. Sa lahat sya ang pinaka-opinionated. Kahit aminado syang wala pa syang lalakeng nakakarelasyon ng seryoso, sya ang may pinakamaraming payo sa buhay pag-ibig namin. Bukod sa amin ay marami pa syang kaibigan. Bukod sa akin, sya rin ang isa sa pinaka-animated. Malungkot ang isang pagtitipon kapag wala sya. Lagi kasi siyang masaya. Laging bangka. Laging maligalig. “Miss Lerma” ang tawag namin sa kanya kasi matalino si bakla at lahat na lang yata ng bagay ay alam: showbiz, fashion, sports, politics, pati bilang at kulay sa Arabic (banafseji for violet, buertocalli for orange, anu ba yun?), hahahaha! Dahil sa marami syang alam, ganun na lang ang tuwa namin pag nagkakamali siya. In fairness kahit ganun sya, higit sa lahat, napaka-generous nyang kaibigan, kapatid at anak.

Andami ko nang naisulat para sa blog na to, in fairness alam kong nag-enjoy kayo.

3 comments:

joey said...

Friends, leave your remarks sa baba kung me violent reactions kayo sa sinulat ko ha? Hahahahaha! Cheer! --- Joey

Jacky said...

In fairness, aliw siya churang novela sa haba. Hahaha. I lab u french! I hope you would inspire me to keep blogging.

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.