Binalikan ko ang glorious days of 1999 (peak ng kabaklaan ko) to recollect kung kanino at kelan ang first date ko with a guy.
When I'm talking about date here, yun yung labas with a special someone na kuntodo effort ka to make an impression --- suot-suot mo ang panlaban mong damit, shoes, pati pabango at accessories at medyo romanticized ang kilos at mga salita mo. Date can be lunch, snack or dinner, pwede ring nood ng sine, nood ng play, going to the disco or inom sa bar or promenading at a park. Even simply sitting by the seaside watching the sunset, hands clasped together while munching popcorn o kahit anong sitsirya ay date na matatawag. Wherever it is, as long as love or romance is in the air, date yon na matatawag.
I don’t think I ever went out for a date with my first “serious” boyfriend Michael Mariano (kung saan hango ang personal yahoo ID ko na gamit ko pa unitl now: claudinemariano@yahoo.com). Kamukha raw nya si Mark Anthony Fernandez kaya ako naman si lukring, rektang in-adopt ang pangalan na Claudine (Barretto) churang di ko kamukha, hahahaha! Nung taon na yon, my friends and even the guys would call me Claudine.
Kung lumabas man kami ni Michael, laging group walk kasi kasama nya friends nya from FEU at ako eh ang mga gay friends ko sa Tundo. Magbi-bilyar kami bandang U-belt o kaya eh magba-bar pa minsan-minsan. Among our group si Doktora Jigs (Dermatologist at General Practitioner na me 2 clinics that time), a UST Med. Grad, at si Bong “Tanya” Espinosa (who works in a PR and Corporate Image Consulting Company sa Makati) ang pinakamalakas kumita kaya madalas sila ang taya sa mga niteouts. Mas senior sa amin si Doc at Tanya kaya kaming mas bata eh madalas nililibre nya pati mga dyowa namin. Thru Doc Jigs, naging madalas namin hangouts ang Max’s, Cowboy Grill, Malate saka yung bar sa Taft bandang Lasalle (nakalimutan ko na…asa dulo ng dila ko we! Arts Venue ba yun?). Thru Tanya, naging madalas namin puntahan ang Enchanted Kingdom sa Laguna churang sa Tundo pa kami manggagaling ha? Account nya kasi ang Enchanted kaya laging meron syang libreng entrance tickets, with lafang san ka pa?
I haven’t had communication with these 2 friends recently pero ang huli kong balita ay Doc studied and graduated with a Nursing degree para makapunta sa Amerika, while Tanya is still teaching MassComm sa FEU (Trivia: It is Tanya who first coined the word “maskom”. Interestingly, MassComm grad din kasi sya sa PLM. Sya rin ang buhay na maskom, ang lakas mang-iba o gumawa ng mga kwento-kwento, hahahaha!). Gosh, I miss Tanya!
Tanya (far left), my professor friend, ang nagpauso ng "maskom," with Dante and Pilar in Pampanga.
Back to first date, di man ako nakalabas wid a date with Michael, I remember when we cruised around one night gamit ang auto nya. The usual lang na nagkagutuman at nagkayayaan kayong kumain somewhere. Naalala ko we passed by Burger King bandang Mabini. Order kami sa drive-thru. Matangkad ako kaya di ako kita masyado ng service crew sa puwesto niya na mas mataas kesa sa kinauupuan ko. Tapos um-order ni Mike, tanong ng crew sa akin:
"Kayo po, Ma’am?” Pag tanong nyang yun, saka ako yumuko at dumungaw sa bintana at saka um-order. Natatawang sabi ng crew:
"Ay sorry po!" Hahahahahaha! Ma’am ka dyan! Imperness, napangiti ako kasi kahit pala sa katawan eh hugis babae ako! Leeg pababa lang kasi ng katawan ko ang exposed from the position of the crew. That time, transvestite ako. Picture this sa ayaw nyo at sa gusto: Slimmer ako, layered ang buhok na medyo sumasampa na sa balikat, at naka-bra at full makeup! Lawa kyung lawa (lipgloss) at aircon kung aircon (blusher).
(Trivia: Piyari first coined the word aircon, kasi para raw pinamula ang pisngi ng lamig ng aircon ang dating pag naka-blushon). Imperness, di naman ako nagpapalda --- tokong lang madalas at low-waist na Levi's 501 jeans. Ang pang-itaas: pambansang tube, venus cut at spaghetti strap na blouse. Imperness, di pa naman ako nabastos in that getup. Mukha raw kasi akong babae…hindi babaeng maganda. Babaeng modil, yan na yard, hahahaha!
Piyari aka Kaori Michelle, ang nag-encourage sa aking mag-bihis babae nung 1999 at magturo na maglipgloss at mag-"aircon."
Pogi ni Michael ano?
Mike with wifey Jewel and my inaanak Kristelle.Mike now owns a scooter business: repair at sales ng spare parts. We’re friends (maintaining regular contact thru friendster) at ninong ako sa panganay nyang anak. Pahabol: aware ang asawa nya na naging kami at unang naging akin si Mike, hehehe!
I thought I’ll have my first-ever date with a HS Letranista named Champ. Gwapo to at taga-Santa Ana. He’s 16 y/o then. Letran Boys kung tawagin namin ang grupo nilang aliw na aliw sa grupo namin at madalas eh tambay sa parlor ni Tyang Vani. Elsa, gwapo at kekikinis ng mga batang ito! Sa amin sa Tundo, karamihan ay gwapo at ibang level na ang dating mo pag sa all-boys school ka nag-aral (Kaya yan si Mixie, elsa yan we!).
Back to Champ, I asked him for a date: nood ng sine den dinner sa Robinson’s Place sa Ermita. Kuntodo prepare ako non. Naka-white tank top ako na pinatungan ng nene na yellow checkered short-sleeved polo na hiniram ko pa ke Piyari (who that time was teaching na sa Letran) na itinerno sa beige na drawstring pants na binili ko sa Giordano. Heto na. Hindi sumipot si Champ sa date namin. Kawawang bakla, hahahaha! What I’d find out later na rason kung bakit sya di nakarating ay di ko alam kung tutoo o maskom lang ng mga bakla: nakita raw ako ni Champ from afar sa ganyung ayos at sumuko kaya di na nakipagkita sa akin, hahahhahaha!
The Letran Boys now: may anak na yung iba sa kanila. Champ is not in this pic. The last news I heard about Champ is that his family migrated to States. Triny kong ipagtanong kung me kontak pa sa kanya ang mga bakla, wala na raw. I even tried searching for him sa friendster but to no avail.
Joker was another guy I got involved with that year. Madalas tambay ako sa haws nila, kabraket si Mixie, or kainuman ang mga gwapo nyang kaibigan (ang ilan eh Letranista din). I can’t recall too na naka-date si Joker. Kung di kami sa eskinita ng bahay nila iinom, don lang kami nag-nonomo sa foodcourt ng Isetann Recto.
Ngayon, pamilyado na rin si Joker at nagta-trabaho sa Manila City Hall.
Maaga akong namulat sa siste ng bakla dating a guy. Eh kasi naman, sa murang edad na 16, nakikipag-date na kami ni Mixie, albeit group date. Meron kaming mga bowa-bowang mga bagets sa Binondo na dadaanan namin tuwing gabi sa lugar nila at saka kami kakain sa Wendy’s Escolta. Partner ko non ay si Badje at sa kanya naman ay si Wally. That time, salad bar lang, burger, fries at masarap na frostee nila ay solved na!
Di ko na nakikita ang mga lalakeng 'to though ang balita ko ay nagsipag-asawa na rin.
But of course, sa Pinas setting, bakla ang nagyayaya ng date sa lalake. I haven’t heard a story ng isang bakla na inimbitahang ilabas at inilibre ng lalake for a date. Kung meron man, ipakilala nyo sya sa akin at sasabihin ko sa kanya:
“Ang ganda mo te! Ke palad mo!” Hahahahaha!
Sa Qatar pwedeng kabaligtaran ang mangyari. Ikaw ang yayayaing i-date ng mga lalake, pero kadalasan hindi ng mga Pinoy kundi ng foreigners. Mara knows this, hahahahaha!
I could still recall the first time I was asked by my then-bowa Yehyia, a handsome Lebanese working for a ceramics company for a dinner. This was in 2004. Nothing special, simpleng kainan lang yun. It was at Turkish Central sa Al-Nasser. Sa kultura natin, kung sino ang nagyaya, sya ang taya not unless you made it clear from the start na dutch treat iyon. Heto na. Nang tapos na kaming kumain, naglabas ng pambayad si Yehyia pero pinadagdagan sa akin ang kulang. Nagulat ako kala ko kasi ang ganda ko at libre nya ako, hahahaha!
Yehyia had this pangit na ugali na ang lakas ng loob magyaya, pero pagdating sa bayaran, kanya-kanya kayo, hahaha! Imperness di naman sya nagpapalibre. Meron kasing instance sa Sheraton Hotel na niyaya nya ako at si Mara na mag-disco pero nyung bayaran na, super bilis sa counter at binayaran ang sarili nya lang. To think na super pilit pa sya ke Mara na sumama noon haaa? Hahahaha!
The iconic Sheraton Doha hotel
Yehyia left Qatar 2 years ago and is now working at UAE.
After nya, a Palestinian guy named Salah became my next fling. My date with him was when he treated me out for a light dinner of some sandwiches and cocktail sa Mandarin. Treat nya raw yon sa akin kasi first sahod daw nya. Ouch!
SalahSalah I think is now interning at Al-Jazeera channel.
The next time na maitreat ako for dinner ay isang nakilala ko sa website na baklaan. Dedma na ako sa name nya at hitsura kasi forgettable ang experience ko sa kanya. Mapili kasi ako nang sasamahan sa labas ng mga name-meet ko sa ganun kaya pinagbigyan ko eh dahil sa decent makipag-usap at sa pauso nyang dinner. Only to find out na after all ng mga tanung-tanong nya sa akin ano raw ang bet kong kainin, anong wine daw ang gusto ko, isang mug lang pala ng beer ang ipaiinom sa akin, hahahahaha! Dinner we? Hmp! Imperness, elsa kahit papaano ang venue: Movenpick hotel.
The Movenpick Hotel DohaJassim, someone whom I consider a special friend, a colleague at the 2006 Doha Asian Games, treated Jackie and me for a dinner sa Pizza Hut bago kami magbakasyon last year. Even when I was in the Philippines, he would call me several times. I appreciate that gesture, yung magyayaya na pakainin ang bakla nang wala lang. Imperness, nakakababae, hahahaha! Seriously, heartwarming naman talaga ang ganun.
Jassim and I during the 2006 Doha Asian Games.Jassim is Jackie’s colleague at QP, at me isa na syang anak ngayon.
Ang dinner date, in da real sense, na napuntahan ko ay ang dinner sa Il Rustico, an Italian restaurant sa Rydges Hotel upon the invitation of an avid and crazy Lebanese admirer. I got the idea of dining out at this place thru the suggestion of Jackie. Masarap daw kasi ang ensalada sa kainang ito. Imperness masarap nga naman. Cozy at romantic ang ambience, served with wine ang food, sans violin-playing goya on da side. It was my first fine dining in a hotel na nilibre ako ng lalake kaya memorable. Bukod don, wala na, kasi aning yyung ka-date ko we! Sukat ba namang yung balsamic vinegar eh nilagay sa softdrinks nya at saka ininom, hahahaha!
The Rydges Plaza Hotel Doha
Short-lived lang ang affair ko sa guy na to kasi di ko matagalan ang ka-aningan nya. Meron ba naman kasi kaming labas one time sa discohan where he treated me again for a dinner na nakasuot ng mahabang wig! Sayyyyy? Hahahaha! That was soooo embarrassing kasi me volleyball player na nakakita sa kyung sino ang kasama ko. Now, I don’t have communication with this guy though I would still see him in coffee shops in Ramada signal.
Sa ngayon, I’m back to dating a Pinoy. Di man niya ako libre, walang kaso kasi enjoy naman ako kapag kasama sya. We have not had fine dining moments together pero I’m looking forward to that. Kapag nangyari yon, ikukwento ko rin sa inyo.
Kayo, anu-ano ang mga date experiences nyo? Let me hear’ em!