Wednesday, September 24, 2008

'Best in Chopsticks' at 'Best in Bento Box' Shots

Ang saya kapag nagkakasama muli ang barkada. Walang tigil na kulitan, walang humpay na tawanan, okrayan, huntahan, at syempre pa, picture-taking. Di na yata masasabing pagtitipon kung walang larawan.

Kamakailan lang, nung isang lingo, kumpleto rin kami para sa kaarawan ni Patring na ginanap sa Bin Mahmoud.

Bokie, Mara and Me


Bokie, Jackie, Mara, Bday ghel Elmer, Mixie and Neil


The gang


The gang again

Kagabi uli, kumpleto na naman ang barkada dahil sa bertdey treat ni Neckless Aiza sa Moon Palace sa Fareej Al-Nasser. Tuplada ang ate ko, bento box bawat isa, di tinipid, hahahaha! Taray ng lola mo, di mawari kung aatend ba ng evening beach party o kaya eh maghe- hermana sa santacruzan dahil sa suot nyang v-neck black long-sleeved polo --- mukha kasing bagong patahi we? Hahahaha! Di pinaghandaan di ba? Imperness, bagay sa kanya at I like, as compared to his GE look before. GE for Government Employee kasi hilig nyang magdamit ng polo barong at slacks noon, hahahahha!

And take note haa? He didn’t come alone, me bitbit syang owel, si W, barda imperness.

Completing the cast of Tanging Yaman were myself, Maring, Mixie, Patring, Toft, Mr. Neil, Jackie, Vhonabelle and his partner George at Diego.

Hayun sa gitna ng pag-nguya nang sushi, tempura, at kung anik-anik pang apan-apan food na kabisado ko raw ang pangalan, at paghigop ng mainit na tofu soup, sabay din ang pag-click ng camera. Heto ang ilan sa mga kuha kagabi. Kayo na humusga kung sino ang bibigyan nyo ng awards na 'Best In Chopsticks' at 'Best in Bento Box' shots:


Bokie


Neil


Mixie


Jackie


Me


Patricia


Elmer 'd neckless Aiza', d bday ghel


Diego

Pili na kayo kung sinong bet nyo. Ang me-ari ng winning shots makakakuha ng year supply ng bento box from Moon Palace, 3 times a day: breakfast, lunch at dinner, chika?

To close: thanks again Elmer for the powerful dinner, binusog mo kaming lahat! Happy Bday uli!

No comments: