Tapos na ang mahabang bakasyon ko; nasa opis na uli ako. Kainis dahil most of my friends eh either sa Linggo or Monday pa ang balik, hmp!
Apat na araw ang bakasyon ko dahil sa Eid Al-Fitr (September 30 to October 2 plus Friday). Dito sa private company na pinapasukan ko, mahaba nang maituturing yon, considering na 3 legal holidays lang ang inoobserve ng kumpanya/ ng Qatar: Eid Al-Fitr (End of Ramadan), Eid Al-Adha (Feast of Sacrifice) at Qatar National Day na dating September 3 pero ginawa nang December 18 simula last year. Kung sa gobyerno ka nagta-trabaho, kadalasan ang Eid holidays ay umaabot mula lima hanggang syam na araw. Well, di na masama ang 4 na araw, lalo pat maririnig mo na marami, lalo na ung nasa sales and service trade, ang ‘di nakakaranas ng Eid holiday kahit man lang isang araw kasi ito yung time na peak ang sales nila.
Ke Jot ko nalaman nung September 29 na simula na pala ang Eid nuong a-treinta. Salamat sa facebook, di ko na kailangang magtatawag sa kaibigan, magbukas ng Internet, makinig sa radio para maghintay kung kelan ang announcement ng Eid. Noong hapon ng araw na yon ipinost ko sa status that I can’t wait for d Eid announcement. Gabi nang sagutin ni Jot na Eid na nga raw kinabukasan, September 30 at ito ay kinonfirm ni Jackie.
Kadalasan sa trabaho, tuwing Eid, di na nagsisipasok ang mga kasamahan ko twing gabi ng huling araw ng Ramadan. Pero nag-aligaga pa rin akong mag-ayos at pumasok that nite, thinking na me ipagagawa sa akin ang boss ko. Nabitin kasi ang paggawa ng KPI report na ginagawa ko that time; akala ko matutuloy ko --- pasalamat at di KJ ang boss ko, di pumasok kaya di natuloy ang report --- maswerteng bakla, hahahaha! Kaya hayun, nag-log in lang ako sa opisina tapos wala pa yatang 3 minuto eh sumibad na ako.
Doha, here I come, Ramadan is over!!! Gone are the days na kelangan pa akong magtago sa pantry namin tuwing kakain; na kelangang hintayin ko pa ang ingay ng recorded call for prayer sa mga mosque to mark the break of fast kapag sunset bago ako makapanigarilyo o makakain sa publiko; na kelangang i-adjust ko ang sleeping at eating patterns ko (past 2 am na natutulog, at matutulog na lang, lalafang pa!); at syempre i-adjust na rin ang ‘booking’ habit ko, ahahaha!
Sa aming magkakaibigan na nag-celebrate ng Eid sa loob ng Doha (Mara and Vhon have already flown and are now in Rome while Patricia will fly to Bali tom), nakakabagot palang talaga! Ang tagal-tagal mong hinintay pero after 1 day, 2 days, wala ka nang maisipang gawin o mapuntahan. Well, whats’ new? Kahit naman ordinary day sa Qatar ay ganito: bukod sa City Center at Villagio, wala nang iba pang malalaking malls na pwedeng mapuntahan. Buti pa ang Pinas, di hamak na mas mahirap sa Qatar, pero napakarami namang scenic places at hangouts na pwedeng puntahan. Swimming resorts, malls, restaurants, and bars are ubiquitous.
Sa aming magkakaibigan na nag-celebrate ng Eid sa loob ng Doha (Mara and Vhon have already flown and are now in Rome while Patricia will fly to Bali tom), nakakabagot palang talaga! Ang tagal-tagal mong hinintay pero after 1 day, 2 days, wala ka nang maisipang gawin o mapuntahan. Well, whats’ new? Kahit naman ordinary day sa Qatar ay ganito: bukod sa City Center at Villagio, wala nang iba pang malalaking malls na pwedeng mapuntahan. Buti pa ang Pinas, di hamak na mas mahirap sa Qatar, pero napakarami namang scenic places at hangouts na pwedeng puntahan. Swimming resorts, malls, restaurants, and bars are ubiquitous.
Next time I hope to celebrate Eid in style out of Doha. Di kasi natuloy ang balak kong mag-Dubai. Ayokong mag-travel nang mag-isa at wala naman gustong sumama sa akin. Timer na kasi ron si Jackie at Mara, and Neil has just been there recently to exit for his change of sponsorship. Isa pa, I decided na rin na maghigpit ng sinturon (kuno) for my impending car repair. Sayang at libre pa naman ang round trip DOH-DXB tiket ko courtesy of free miles from Emirates’ Skywards. When I go home next summer for my annual leave, my Skywards points will have doubled, enough to fly free to Jordan kaya sabi ni Jackie i-reserba ko na lang for next year’s Eid Jordan sojourn. Yipeeeeeee!!! Sure daw masasamahan na nya ako. Harinawa.
Kaya heto nagkasya na lang akong magpakalat-kalat sa Villagio nitong Eid. Eh bakit kamo, puro plano di naman natuloy --- walang swimming na naganap, walang desert party cum tour, walang camping, at walang dining out sa isang hotel (thanks to must-try Grilled crevette at Paul-Villagio kahit papaano eh sumaya ang dila ko). If only to feel the festive mood most people are having, super effort na lang ako twing magmo-mall! Imperness, successful naman ako at andami kong naaning papuri, pati na rin matang mapanuri, ahahaha!
Sa loob ng 4 araw na bakasyon, natalo ako ng almost 4 hundred riyals sa tong-its, in-between at lucky 9 (walangyang Mixie to we!) pero nanalo naman ke Mr. Dude (this time, thanks Mixie!); uminom at mapuyat; dyed my hair red; shopped; had countless horrible breakouts; cooked beef asado at home; and ate powerful kaldereta c/o Mixie and ginatan c/o Mara.
If there is one thing that saved my oh-so-mundane holiday for being forgettable, it is the Paul Van Dyk beach party held at the Intercon on the 3rd day of Eid, October 2!

Sa true lang, ang sarap paglaruan ang lahat ng dumalo sa party na yun, mapa-babae o lalake, at saka okray-okrayin ang hitsura at getup mala-Tigbakan Alley, hahahaha! Me ‘Miss Best in Ninang Look’, ‘Mr. Best in Ninong, ‘Mr. Callboy and Ms. Callgirl’ for being so scantily clad (kung sexy ka ay ok lang, I like, ahahahaha!), Mr. and Ms. Anghit (open air na isu-suffocate ka pa ng amoy nila), ‘Miss Lollipop’ (riot ang blushon), ‘Best in Cocktail Dress’ (dito sure di lang tie, triple tie o quadruple tie kundi multiple tie), ‘Best in Long Gown’, ‘Best in High-heels’ (buti nga at nakita ko silang nagdurusa at naglalakad ng nakatapak hanggang parking, ahahahha!), ‘Best in Pambahay’, ‘Most Alive or Buhay na Buhay’ (yung tipong umeekis na pag naglalakad, sobrang dulas na ng bibig pag nagsasalita o nakagulapay na sa buhanginan sa sobrang kalasingan), ‘Best in False Eyelashes’, and the much-coveted ‘Miss Best in Bakla lang Keri na Look’ (naka fantasy makeup complete with hairdo or wig). For sure ako mismo, gagawaran ko ng award ang sarili ko ng ‘Dirtiest in Bronze Makeup’, ahahahaha!

Beautiful facebook friends, as well as familiar faces, made that party memorable. There I met the friendly national swimmer Osamma (who gamely posed for pics), made beso-beso with the liveliest Ammar Shlash, and spotted the nananabang ex-swimmers na sila Anass at Andy Roddick deadringer, Baso, and the Filipino-friendly Igorota. Sexy Johanne was there too!
(Click the thumbnail pics of the lightbox below to enlarge the pics. Click the arrows to move to the next batch of pics.)
Truly enough, it won’t be a night to remember without the music of Paul Van Dyk. With a renowned international DJ like PVD, a party becomes an experience.
Looking back at how I spent my Eid holiday, I realized it isn’t that bad at all.
No comments:
Post a Comment