Saturday, March 7, 2009

Eksakto isang taon pagkalipas ng nakakalokang sagot ni Janina San Miguel

“Well, my family's role for me is so important, because there was the wa-- they're, they was the one who's... very... haha... Oh I'm so sorry. Umm, my pamily... my family... Oh my god. I'm... Ok. I'm so sorry. I... I told you that I'm so confident. Eto, umm, wait... Hahahaha! Umm, sorry guys because this was really my first pageant ever, because I'm only 17 years old and... haha... I, I did not expect that I came from-- I came from one of the tough 10. Hmmm. So... But I said that my family is the most important persons in my life. Thank you.”

Kahit isang taon na ang lumilipas mula nang lumabas sa bibig ng disisyete-anyos na si Janina San Miguel ang sagot na ito sa Q&A portion ng Binibining Pilipinas sa Araneta Coliseum, gumugulong pa rin ako sa kakatawa.


Janina San Miguel shedding tears after being crowned as Bb. Pilipinas World 2008

(Heto ang video ng interview nya sa ibaba, na as of this writing ay umabot na sa 2,949,136 ang hits:)



Eh bakit ba naman hindi makakalimutan ng sambayanan at ng buong mundo tong hitad na ito, eh san ka ba naman makakakita ng kandidatang ginawang katawa-tawa ang sarili nya sa final round na Q&A eh nanalo pa ng major title!

Imperness, naipaliwanag naman ng organizers na 80-20 ang criteria for judging, 80 percent sa pisikal na ganda at 20 per cent na hahatiin sa personalidad at katalinuhan, kaya pwede na rin.

At imperness naman ke Janina, she exemplified a candidate exuding grace under pressure. Pagkatapos ng kanyang sagot, which will surely go down the pageant history as the most hilariously memorable, di man sya tumayo sa pagkakadapa tulad ni Miriam Quiambao sa Miss Universe 1999, she also rose by finishing the question kahit pa magkandabuhul-buhol at magkandatigas ang dila nya kaka-Ingles.

Anong panama ni Mother Ricky Reyes sa TV ad ng isang sikat na shampoo, kung saan ang bigkas nya ay “Palmolib,” hahahaha! At ano ring panama ng grammar ni Janina sa bading sa pamosong unreleased porn flick ng barda at totoy mola na si Josh Ivan Morales entitled ‘Manila Exposed.’ Ika ng bading sa bidang babae: “Any sexual fantasies that you has? Have you ever been experienced to be fucked to your ass?” Hahahaha! Sukoooo!

Isang sagot na ito ni Janina ang nakapagpabago ng buhay niya. Pagkatapos humakot ng special awards gaya ng Best in Evening Gown at Best in Swimsuit, itinanghal siyang Binibining Pilipinas World. Isang sagot na nagluklok sa kanya arguably as the 3rd most famous Pinoy sa youtube, after Charice Pempengco at Arnel Pineda ng bandang journey, dahil sa kanyang Q&A video clip na mayroon na ngayong halos 3 milyong hits.

Isang sagot that’ll make her an instant celebrity dahil kinabukasan, laman na agad sya ng pahayagan at laughingstock ng mga baklang komedyante sa mga comedy bars.

Bukod dito, sa Tagalog slang, ginagamit na ngayon ang kanyang pangalan to connote an answer that is incoherent, mali-mali o katawa-tawa. Halimbawa: “She is like Janina San Miguel during her thesis defense.” O para mas bakya: “O say? Paanong di ka maliligwak sa job interview mo bakla, eh Janinang-Janina ang sagot mo sa mga tanong!” Hahaha!

Imperness pwede rin namang positive ang dating ng figure of speech pag ginamit ang namesung nya, halimbawa: "She does a Janina. She may have fumbled through the interview portion but she won the crown."

Di ko naman isinulat to para libakin si Janina. Super aliw lang talaga ako sa sagot nyang iyon per se. Sa katunayan, kahit pa aminado akong sumusuko kakatawa sa ginawa nyang pagsagot noon, pinatunayan nya na di kailangan maging matalino o Inglisero ng isang tao para makamit nya ang tagumpay; ang kailangan nya ay lakas ng loob at determinasyon. Taray, pwede tong one-liner na to sa byucon!

Unfortunately, hindi nabigyan ng pagkakataon si Janina na i-vindicate ang sarili nya. Hindi sya nakalaban sa Miss World na ginanap sa Johannesburg nuong December. Ilang buwan ang lumipas pagkatapos syang koronahan, nag-resign sya dahil sa personal reasons, particularly ang pagkamatay ng kanyang lolo --- dahilan para isalin ang korona sa 1st runner up na si Danielle Castano. Katulad ng karamihan nating kandidata sa international beauty pageants, umuhing luhaan si Danielle dahil di man lang napasama sa Top 15 semi- finalists.

Marami tuloy ang nagtatanong, paano kaya kung ang mas matangkad (Danielle is 5’8” samantalang 5’10” naman si Janina) at mas palaban na si Janina ang lumaban. Papasok kaya sya sa semi? Makakaapekto kaya ang kanyang kahinaan sa wikang Ingles para manalo? For the first time ay magtatagalog kaya si Janina at gagamit ng interpreter sa final round kung mapasama sya as finalists?

Isang taon na nga ang lumipas. Naalala ko pa last year, updated ako sa results ng Binibini dahil tinetext ako ni Shine sa mga nagaganap sa Araneta. Isinama kasi sya, ganundin ng mga kaibigan kong si Edmac at pinsang si Rex, ni Mundang sa front row ng coronation night. Sosyal!

Alas-singko Doha time habang sinusulat ko itong blog entry na ito. Sa ganitong punto, maaring kasalukuyan nang rumarampa in swimsuits or evening gowns ang mga semi-finalists. Alas-otso kasi Manila time ang simula ng kanilang palabas sa Araneta, ayon sa kanilang official website.

Base lamang sa hitsura ng mga kandidata sa kanilang website, heto ang aking fearless forecast:

Tatlo kina Diana Arevalo, Maria Paula Bianca Paz, Jaysel Arrozal, Barbara Salvador at Pamela Bianca Manalo ang tatanghaling Bb Pilipinas Universe, World at International. Papasok din sa semi sina April Love Jordan, Regina Hahn, Sandra Seifert, at Mary Ann Umali.


Pamela Bianca Manalo


Maria Paula Bianca Paz


Jaysel Arrozal


Barbara Salvador


Diana Arevalo

Tumama kaya ang prediksyon ko? Magkaron kaya ng panibagong Janina sa Q&A portion? Abangan!

No comments: