Monday, November 5, 2007

Prunes

Nung Huwebes ng gabi, November 1, nagpasama ako ke Shy sa Filipino Souq para bumili ng pampaputi ng peys: Extraderm Astringent at Amira Magic Cream.

Gumaganda na kasi ang panahon; siguro me isang linggo na rin simula nang maging malamig ang simoy ng hangin --- hudyat na talagang onset na ng winter season sa Qatar! Sa loob-loob ko, walang ibang mas magandang timing para paputiin ang mukha kundi ngayong malamig ang panahon.

Kaya hayun, karay-karay ko si Shy sa isa sa mga Filipino stores sa Souq at dumampot ng Extraderm (no. 1 ang kinuha ko para mas mabilis ang epekto) at isang botelya ng 60 g. ng Amira Magic Cream. Extraderm ang napili kong brand kasi subok ko na to during college days; at Amira naman sa cream dahil me ilan akong mga kaibigan na nagpapatunay na talaga namang mabilis makapagpaputi ang cream na to. Habang papauwi kami, nabanggit ni Shy na ipahinga ko muna ang mukha ko sa breakouts, hintayin na umimpis ang dalawang malalaking meron ako sa pinsgi at noo, bago ako gumamit ng mga over-the-counter at murang mga beauty products na ito. Tama sya. Naiisip ko baka nga mairita lalo ang mga taghiyawat at lalong dumami. Nakuuuuuuuuuu!

Bigla, naalala ko ang testimonya ng best friend kong Japayuki na si Michelle “Burta” noong huli kong bakasyon noong Abril sa Pinas na ang nakapagpaputi daw ng sing-itim ng prunes na utong nya ay cream na gawa ng derma nya. Ayon sa derma nya, ang cream na to ay commercially available in the form we know as Amira Magic Cream.

Naalala ko, bago pa man pagandahin ng syensya at ng Japan si Burta, ang utong ni bakla nung colege days eh bakulaw kung bakulaw talaga sa itim. Kung ano ang kulay ng prunes o kaya eh champoy o kape, ganun ito kaitim. Dark-skinned kasi siyaa kaya ganundin ang kulay ng utong nya. Kaya laking gulat ko na lang nang usisain ko na ipakita nya sa akin ito nang magswimming kami sa Bora. Bago ko sya ipictorial sa dagat, ipinaluwa ko sa suot nyang orange floral-printed two-piece ang malulusog nyang suso at di ako makapaniwala na pati pala ang kulay ng utong ay pwede na ring paputiin!

After years of working in Japan, ibang-iba na kasi ngayon ang ganda at kulay ni Burta. Burta has indeed transformed as the proverbial ‘ugly duckling turned into a beautiful swan.” Ang dating mataba at maitim na bakla na may maitim na utong ay isa na ngayong mukhang babaeng-babae na mayroong voluptuous body, makinis at fair na skin, at higit sa lahat....pinkish na utong!

Doon ko naisip na bago ko ikulapol ang nabili kong pampalandi sa mukha, subukan ko muna sa utong at tignan kung eefect.
Ewan ko nga ba sa sarili ko bat pati utong ko eh pinagdidiskitahan ko? Kuntento naman ako sa skin color ko; di ako insecure sa mga taong mas maputi sa akin. Siguro inggitera lang talaga ako sa mga taong mas mapuputi ang utong kaysa sa akin. Kasi nakakahiya na sa tuwing me swimming na lang eh bukod sa naka-alsa na nga ang utong ko na animo eh nagbibinata o nagdadalaga na pinamumukulan, ang itim-itim pa. Isa pa, kapag medyo malinaw o maputi ang damit kong pang-itaas, mababanaag mo talaga na me prunes nasa ilalim nito, kaya hayun at nakakahiyang suotin.


(close-up shot ng utong ko)
Bakit nga ba kasi umiitim ang utong? Totoo ba ang sinasabi ng ilan kong kaibigan na ang mga taong mahilig magpasupsop ng suso ay maiitim ang utong? Kung ganon, eh di sana lahat na ng mga may asawa ay maiitim ang utong? Hahahahaha! O kaya lahat sana kaming magkakaibigan eh pare-parehong maiitim ang utong? Eh di sana kahit Kano ka o Briton na maputi ang kulay ng balat ay nangitim na rin ang utong? Meron nga bang chemical o acidic component ang laway na pag sumayad sa utong ay paiitimin nya ito? At bakit kung kelan mas tagong parte ng katawan ang utong at di naarawan ay mas maitim pa ito kesa sa exposed na bahagi ng katawan mo gaya ng mukha? O ng braso? Ng hita? Nakuuuu, ano ba yan andaming hiwaga ng utong na ito?!


(close-up shot ng buong dibdib ko)

Kaya hayun pag-uwi ko sa bahay, agad kong binuksan ang binili kong Amira Magic Cream at ipinahid ito sa areola at sa buong utong, umaasa na balang araw eh strawberry o cherry naman ang pamagat ng susunod na blog na isusulat ko. At kung matupad yon, syempre “After” pics naman ang ipo-post ko para makita kung talagang me improvement sa kulay ng utong ko, at di lang sabi-sabi ang mga friends ko at mga taong nagbigay ng testimonya sa galing at bisa ng magic cream.

No comments: