
Nung bata ako, edad 5 hanggang 6 na taon, nakaranas din ako ng palo sa mga magulang ko. Kadalasan, si tatay ang namamalo sa aming tatlong magkakapatid habang si mader eh umaawat lang sa glydel. Kapag nanlilimahid ang katawan namin sa dumi at pawis dahil sa buong araw na kakalaro sa kalsada o kaya kapag nag-aaway kaming magkakapatid o kapag nagtatamad-tamaran sa gawaing-bahay, napapalo kami ni tatay. Pinadadapa nya kami at saka hahatawin ng sinturon sa puwet. Pero eme-eme lang naman ang palo na yon; kontrolado para di maglatay at di kami masyadong masaktan. Maliban dito, di na kami masyadong napalo ni tatay since he came abroad nung grade 1 ako. Alangan namang sa isa o 2 buwan nyang bakasyon sa Pinas mula sa 2 taong kontrata sa Qatar eh award pa ang ipapasalubong nya di ba? Syempre, Toblerone, Clarks at Topsider shoes, Hanes shirt at pabango na no! Hahahaha!
Si nanay di kami hinahagupit o hinahataw sa puwet pero sa kamay nya kami madalas pukpukin sa twing mali-mali ang sinusulat namin, mali ang paghawak namin ng lapis o kapag nagtatamad-tamaran kaming magsulat.
I did not hate them for hitting us when we were that small kasi imperness, masasabi kong lumaki kami nang hindi pasaway at may takot sa kanila. Hanggang ngayon, isang malaking ka-servegwenzahan ang sumagot sa magulang kapag napagsasabihan.
Those were my vivid memories of palo nung kabataan pero nung namulat na ako sa mundo ng kabaklaan, iba na ang mga alaala at karanasan ko sa palo.
Sa aming mga bakla, iba na ngayon ang kahulugan ng ‘palo’ o ‘palu-palo’. Obviously di na ito yung hataw ng pagdidisiplina nung kabataan maging ang kahoy na gamit sa paglalaba. The word now is synonymous to pagbibigay o pagpapahiram ng pera o kahit anong pabor sa kahit sino, madalas sa lalake. Conversely, it also means humiram/ humingi ng pera o kahit anong pabor. Simply, ang palo sa gay lingo ay di hagupit sa puwet kundi hagupit sa bulsa.
I could recall that it was 1999 when the term ‘palo’ was first coined in Tondo. Siguro nakuha ito mula sa gesture nang kamay na nanghihingi. Di ba ang isang taong nanghihingi kapag napagod sa kakalahad ng kamay o kakalabit sa taong hinihingan, nananapik o namamalo na ito ng hita, balakang o braso nang kanyang hinihingan?
Kakakibat na ng buhay-bakla or should I say relasyong-bakla ang palo. Karamihan kasi sa amin by nature eh mapagbigay at matulungin kaya kadalasan pumapalo o nagpapapalo sa mga lalake.
Sa ibang bakla, ang palo ay status symbol. Mas mamahalin ang palong naibibigay ng bakla sa lalake nya gaya ng electronic gadgets, mamahaling mobile phone, sapatos o relo, ang tingin sa kanya ng ibang tao at mismo sya sa sarili nya ay mas mataas, mas elsa, mas can afford. Tuloy, ang mga kaibigan nya na less elsa at di afford ang palo nya, insecure ngayon sa mga sarili nila, sa mga lalake nila.
Sa iba naman, ang palo ay sensyales ng kahinaan. Tingin nila, kapag madalas kang pumalo sa lalake mo, kulang sa sustansya ang personalidad at pagkatao mo. Di mo kayang daanin sa magandang pakikitungo, maayos na pag-aaruga, masayang company, at magandang advice ang pakikipagkaibigan maging pakikipagrelasyon mo sa mga lalake kaya dadaanin mo na lang sa kakapalo ng kung anu-ano. Ang nakakaloka lang, sa panahon ngayon, meron pa bang lalake na makikipagrelasyon o kakapit sa bakla nang dahil lamang sa magandang pakikitungo, company at advice? Ang sagot ko: oo naman pero wag kang mangarap na walang kapalit. Ano ka pukehan? Hahahahaha!

Si Kitkat, ang komedyanteng paloera
Puke (babae) nga namamalo na rin ngayon ano! Pag napasobra pa ang palo, worse namamatetan pa ng walangya at huthuterong lalake. Kitkat, a salamat po doctor comedienne and actress in the recently-concluded soap Iisa Pa Lamang, knows best. Pobreng Kitkat, in the name of love, ay masyadong nagtiwala sa kanyang sugalerong boyfriend kaya hayun harap-harapan syang nilimasan ng mahigit PhP 250,000 kasama ang ilang pirasong alahas at tseke. Kung hindi ba naman luka-luka, tama ba namang ipahawak sa boyfriend pati ang mga credit cards nya?
Naalala ko tuloy ang istorya ng isang mayamang bading who has been showering, also in the name of love, his partner with a lot of palu-palo na wala nang hihilingin pa si lalake sa buhay nya: pera, gamit sa bahay, at bahay at lupa. Hindi nga huthutero si lalake dahil ibinigay ito ng kusang-loob ng bading at maayos naman ito makisama nung una. Pero lately ito pa ang malakas ang loob na magmarakulyo at pakitaan ng kagaspangan ng ugali ang bading. Laging dinadabugan at inaangilan ng lalake ang pobreng bading nang walang dahilan, and this has endangered the health of the latter nang isinugod ito sa ospital dahil tumaas ang presyon. Sincerely, sana magising na si bading at tanggapin na it’s time to let go of that ingrate. Sadly, lahat ng bagay, kahit magaganda, ay may katapusan. Sabi nga sa isang kanta: “flames to dust, lovers to friends, why do all good things come to an end?”
Kung bakit iba’t ibang degree at rason ng pamamalo ng bakla sa lalake ay mahirap ipaliwanag. Case to case basis yan. Depende sa bakla, depende rin sa lalake.

Palu-palo
Meron akong kaibigan na sa umpisa eh tila proud pa sa pamamalo sa lalakeng gusto nya. Proud kasi he adopted the surname Quintos sa bago nyang pangalan (Quintos after Ruffa Mae na syang gumanap na Gloria Gloria labandera sa pelikula, hahaha!). Di lang yun --- jokingly, he even added na me theme song daw sila ng current boytoy nya: "Palu-palong bukid", hahahaha! Panay ang kain nila sa labas at hatid sundo pa nya ang lalake. Me mangilan-ngilan din syang bagay na nairegalo dito. The good thing is that napagod na yata si bakla kakapalo kaya lay low muna raw sya at dumidistansya sa lalake. Eh bakit kamo, sa dami ng naipalo nya, ‘plantsa’ lang ang natamo nya, hahaha!
I’ve got another friend na dahil sa pagmamahal sa makinis, mabango, isnabero, masarap at gwapo nyang boyfriend, nasagad pati laman ng credit card nya. Not that hinuthot ito ng lalake kundi naubos while maintaining their relationship. Destiny worked its way para matigil na ang kahibangang iyon. The guy went back to his country and never came back to Doha kaya natigil na ang palo. The good thing is that this friend, despite having a new higher-paying job, is paloera no more. Destillera na lamang sya ngayon, wine distillery, hahahaha!
Kahit ako mismo eh me palo story. I split with a boyfriend recently dahil di ko na nagustuhan ang mga pag-awit nya ng palo. Aba, kabibili ko lang ng bagong jeans a few weeks back, nagtetext na nman na paluan ko raw sya uli ng bago? Anong palagay nya sa akin, pabrika ng pantalon? Hahahaha! Buti kamo kung grateful at appreciative ang futah sa huling pantalong binili ko eh? Aba, ang sabi pa sa akin isosoli nya raw ito kahit magalit ako dahil di nya susuotin ito kasi pangit ang pagkakatupi ng laylayan? The good thing is that agaran ko syang ineject bago pa ako tuluyang maging tanga. Pero marunong gumanti ang futah, after ko syang hiwalayan thru text, agad–agad din naman ang pagbura nya sa akin sa friends list nya sa friendster, bwahahaha!
I have another friend with his own share of a palo story. Generous sya sa mga kaibigan at pamilya pero aminado syang kuripot sya pagdating sa mga lalake. Generally tingin nya sa lalake, particularly mga Pinoy, ay mga paloero. Call it paranoia, doubt, unfair generalization, fear or what, this perhaps has hindered kung bakit sa edad na treinta y tres, wala pa syang masasabing lalakeng naka-relasyon. Di kaya na-trauma na sya? Kasi minsan lang sya sumubok manligaw ng pinoy, malas pa. There was a cutie at chinitong pinoy waiter na inaurahan nya na sa unang date nila, agad syang inawitan at pinaringgang bilhan nya ito ng bagong TV, cell phone at malambot na bed sheet. Turn-off automatic si bakla so he immediately headed to the exit door, hahahaha! Nung nagbakasyon naman sya sa Pinas nung isang taon, he met a good-looking at makinis na service crew sa isang food chain. Dito sa isang ito, di sya nangiming paluan ito dahil gwapo namang talaga. Kaya nang minsang napadpad sila sa isang malaking shopping mall, paglabas ni boylet, naging instant Bench model ito, hahahaha! Nagkapalagayan sila ng loob hanggang sa pagbalik nya rito sa Doha. Ang babaeng superior ni boylet sa pinagtatrabahuhan nito ang siyang confidante, tulay at mata nya sa lalake nya. Nang lumaon, laking gulat ng french ko, ang babaeng pinagkatiwalaan nya ay pinapangas pala ang boyfriend nya! Hahahaha! Haliparot na babae, sarap paluin sa peys!
Kabaligtaran naman sya ng isa ko pang kaibigan. Ito naman, hobby na yata ang pakikipagrelasyon pati pamamalo sa lalake. Wala syang patumangga kung mamigay ng mamahaling gamit sa mga lalakeng gusto nya. Name it: cellphone, alahas, sapatos, damit, pati load sa cellphone. At kapag lalabas sila ng bet nya, itsura ng buong baranggay ang isama nito pero di ito big deal sa kanya. Imperness sa kanya, natural naman syang generous at higit sa lahat, afford nya kasi malakas syang kumita. Linggu-linggo yata eh iba ang lalake nya. Kaya lang, sa dami ng lalake nya, malilito ka sa kung sino ba sa mga ito ang sineryoso nya kasi lahat na lang ng lalakeng malink sa kanya, sasabihin nya sa iyo: “te, sya na!” Hahahaha!
Everyone has his own stories of palo. Di naman ito mawawala dahil kahit sa hetero relationships, me pamamalong nagaganap. Basta ang sa akin, ok lang mamalo sa lalake as long as:
• Afford mo;
• It does not hinder you from fulfilling your obligations to your family;
• It does not make you kawawa;
• You did it whole-heartedly at di ka napilitan;
• You know when it is reasonable, and you know too kapag sobra na. At kapag sobra na, dapat exit na;
• It is done as a gesture of appreciation of his good deeds mapa sa iyo, sa kaibigan nya o sa pamilya, and not to flaunt what you have nor to get his attention; and more importantly
• It should make him, in the long run, responsive to your needs, emotionally at higit sa lahat sexually.
Ngayon, kung wala sa taas ang dahilan o kabaligtaran ng nasa taas ang dahilan kung bakit ka namamalo, halika rito, ilapit mo ang ulo mo at papaluin ko, hahahaha!