Sunday, November 8, 2009

I love...

I’m writing this blog after a long hiatus (sowee my avid followers), inspired by the Pinoy-inspired shirt prints at Bench’s recent fashion show in line with Philippine Fashion Week. These shirts have the words “I ♥ ____” printed on them, the heart symbol of course means love while the blank can be anything so Pinoy like Pinas, Manila, Rizal, OPM, bahay-kubo, kalesa, halu-halo, balut, lechon, adobo, and sampaguita (If you happen to be a foreigner who stumbled into this blog, my apologies; let google do the translation of these Filipino words for you :D).



After seeing these shirts, I thought I’d design my own private line of I love shirts, giving the Spoofs Ltd. a hard run for their money. Well, kung magustuhan nyo, aba just tell me at magpapa-print din ako para sa inyo basta iba ang kulay para di tayo mapagkamalang promo girls or dancers, haha!

I felt I could also go overboard by being not just creative but also critical and insulting; and in doing so, affix to the famous I love shirts all those nasty things I could think of about my country: Gloria Arroyo, her husband Miguel and son Mickey, Erap, the trapos, actors-trying-hard-to-be-politicians and vice-versa, Chavit Singson, Lolit Solis, Alfie Lorenzo, heavy traffic, overpopulation dahil sa walang hanggang pakikiaalam ng church sa state affairs at walang hanggang pag-aanak ng mga mahihirap, the worst urban planning, and the more-than-20 typhoons in a year, etc. Wouldn’t it be sarcastically nice to say you love them?

On a second thought, making a parody of all these sickening personalities and problems would not stay true to the essence of I love shirts, one that evokes sense of fondness, pride, nationalism and nostalgia both to the wearers and gazers.

Thus, I decided I’d better write on my collection several Pinoy-inspired stuffs that are not only positive but also significant (and trivial haha) in my life, as follows:

I ♥ TONDO – No explanation needed. Hometown is where the heart it. This is where I met my best friends and had my fondest younger-day memories.

I ♥ CHINESE GARTER – Be it limbo rock, one-foot, or simply ‘chinese,’ walang batang babaeng lumaki sa lansangan sa Pinas na hindi naglaro nito. Wala ring batang baklang lumaki sa lansangan sa Pinas na hindi naglaro nito, at kasama ako ron! Hahaha!

I ♥ PIKO – kapag meron kang chalk o batong de-kulay pangdrawing ng piko, at pamato mula sa balat ng saging o ng santol, tansan, bato o keychain, siguradong masaya na naman ang paglalaro mo! Caveat to parents then: Dapat hinila nyo ang mga anak nyong lalake na naglaro ng piko, hahaha!

I ♥ PAPEL DE HAPON – mura ng materyal para sa pambalot ng pulvoron, pastillas at paggawa ng parol, mabilis at mabisang pampapula pa ng lips, hahaha! Hmmm, huwag mong sabihing di ka nagpahid ng papel de hapon na kulay pula sa bibig mo nung bata ka?


I ♥ DIVISORIA – Bukod sa malapit to sa high school alma mater kong Abad Santos, this place is so dear to me because this is where my Lola Norma sold lugaw (porridge) as subsistence. Mula sa lugaw nabuhay ang kanyang mga anak pati kaming mga apo. This is not to mention that in Divisoria, you find most shops na bilihan ng lahat ng mura mula prutas, hanggang gulay, damit, tela, gamit sa eskwela, gamit sa bahay, kikiam, champoy, kiamoy, kandila, Christmas decors, laruan at kung anu-ano pa.

I ♥ DYIP – the transport for the masses kasi mura na, mahangin na, me libreng usok ka pa, hahaha! At aminin nyo yan, mas mababa ang rate ng holdapan/ snatchan rate sa dyip kesa sa FX, bus at LRT kasi bukod na sa bukas ang dyip, pamasahe lang daw ang dalang pera ng mga pasahero rito, haha!

I ♥ STREET FOOD – Whether it be tokneneng or kwek-kwek (inarinahang itlog ng pugo o manok), adidas (paa ng manok), isaw or IUD (bituka ng manok), helmet (ulo ng manok), bbq pork, dugo or atay, bola-bola, or manggang hilaw with bagoong (me matamis at me maanghang), samalamig (sago, melon, buko and other flavored drinks) it’s not Pinas without them. At kahit na ‘mura na marumi pa,’ as how we call them in Tondo, talagang masarap sila, hahaha! This slogan also holds true to carinderia or turu-turo :D

I ♥ DARNA - Being the Pinoy version of Wonderwoman, Darna is a local superheroine of comics, TV and films that has always fascinated me. Pag sumigaw ako ng Darna nung bata ako, ang saya kasi damang-dama kong katuparan yon ng pantasya kong maging makapangyihan, makalipad at makatulong sa mga nangangailangan. Darnaaaaa!

I ♥ DYESEBEL – Nung bagets ako, naalala ko, binabalutan ko ang buhok ko ng tuwalyang mahaba para magsilbing long hair ni Dyesebel, at saka ako kukuha ng makapal na kumot at ibabalot ang mga paa ko na kunwa eh buntot at saka ako kakawag-kawag at lalanguy langoy sa ibabaw ng kama na parang sirena. Parang engot hano?

I ♥ PASKO – Christmas the Pinoy style is something we, especially children always look forward to. As a child, it’s the time of the year na excited ka kasi during this season merong: school break, caroling, kris kringle o monito monita, misa de gallo (with puto-bumbong, bibingka cum mainit na tsaa on da side), pagsasabit ng parol at medyas sa bintana, at gift receiving anu pa ba! Yun nga lang, pag pinagtataguan ka ng ninong at ninang mo, nakakainis, hahaha! Love ko ang pasko kasi ito yata ang tanging okasyon na karamihan sa mga tao ay mababait.

I ♥ INTRAMUROS – kasi andito ang alma mater kong PLM; ang Round Table kung san kami bumababa papasok sa campus at pasakay papunta sa kung saan-saa; ang Intramuros Wall which we fondly call IW kung san madalas kami tambay para magmeryenda, magpalipas oras sa gabi, magkwentuhan, matutong magsuba o magpababa ng hangover, maghanap ng gwapong estudyante ng Mapua, Lyceum, Letran pati Manila High School hahaha; ang murang karinderya at inuman with our Gay Factory alumni tuwing wash day!

I ♥ MAHAL NA ARAW – Nakakamiss ang pag-obserba ng Lenten season the pinoy style kasi andaming activities: me Pasyon, Syete de Palabra, senakulo, palaspas, visita iglesia, penitensya, Salubong, egg hunting at syempre pa outing pag Easter Sunday!

I ♥ BORA – kahit pa mukhang me Alay-Lakad sa dami ng tao at halos puro mukhang kapitbahay mo ang tao twing Holy Week at kahit pa maraming lumot minsan ang tubig nito, di pa rin matatawaran ang pino, puting buhangin at ang night life dito. Kapag binalot na ng dilim ang islang ito at nagsimula nang umalingawngaw ang musikang nanggagaling sa mga bars dito, hudyat na yun para magsa-impakta ka!

I ♥ ABS-CBN – Need I say more? Pagkumparahin nyo na lang sa talent at mukha ang stars ng rival station nito, alam nyo na.

I ♥ MANNY – Pacquiao pero hate ko ang Nanay nya, haha! What he has done and will achieve in the sporting world is something unprecedented. Ikaw na kaya ang maging 2nd Pinoy after ex-Philippine president Cory Aquino na mafeature sa cover ng Time Magazine!

I ♥ REGINE – kasi sa kakatili nya, nagsulputan ang mga bata at magagaling na singers na sina Sarah, Charice, Rachelle Anne, Sheryn etc. Regine can undoubtedly put her contemporaries like Mariah Carey to shame kasi ang huli nagkandapaos na at puro bulong at hangin na lang ang boses pero sya eh di nagbago ang timbre ng boses! I know tulad ko, love nyo rin ang mga albums nyang Reason Enough, Listen without Prejudice at Retro.

I ♥ JAYA – kahit nakakaasar ang ugali nyang baguhin ang tono ng mga kinakanta nyang kanta sa TV, hahaha!

I ♥ LEA kasi me ginintuang tinig, merong class, eloquence, propesyonalismo at nasyonalismo na wala sa iba. Pag narining mong Lea Salonga, isa lang ang papasok sa isip mo: world class!

I ♥ NINA – Saan ka ba naman makakakita ng kahon na kumakanta di ba? Etchos! Nina’s style of acoustic singing, na huni-huni, pikit-pikitan, emote-emote na bulung-bulongan is something so endearingly unique. Nina Live will always be one oy my all-time fave Pinoy albums.

I ♥ CHARICE – For a young performer to captivate the whole world with her powerful belting and stage presence is simply amazing. What she lacks in height she compensates with her powerful voice. San ba nanggagaling ang galing at taas ng boses ng batang ito? Sa ulo nya? Chariz!

I ♥ ATE GUY – kasi wala syang katulad at walang kapalit sa Pinoy showbiz. Darating at lilipas ang kung sinu-sino pang artista (pati ang kanilang mga pelikula) pero hindi si Ate Guy. Legends do not die. Maaring makalimutan mo ang ibang lyrics ng Lupang Hinirang pero hindi ang mga linya nyang “Walang himalaaa….,” “I did not kill anybodyyyyyyy,” “My brother is not a pig,” at “Hayuup, hayuuup, hayuuup.”

I ♥ CORY – her tireless and selfless efforts in unifying the country, in fighting for the truth, in furthering her advocacies, and in preserving the democracy are so awesome; I honestly believe it will take a long time for the Philippines to have another hero so big as she. Maswerte tayong pinanganak sa era na naabutan syang buhay pa.

I told you the big pintasero and reklamador in me would prompt me to say or write bad things about my homeland. Thanks to these I love shirts, imperness, I am constantly reminded that there are indeed a lot about Pinas that I love, miss, and can be proud of…Ikaw, ano ang love mo?

Tuesday, May 5, 2009

Answered prayer

Stressed out ako lately ke Kinang, yung 5-year old silver Suzuki car ko. Second technical inspection nya kasi after bumagsak nung una.

Lima ang faults na nakasulat sa report nung unang inspection nya:
1) natuklap na pintura sa bumper;
2) lumang gulong;
3) uneven tread (yung gatla gatla sa gulong that provides traction sa roads) wear --- nakakaloka ito, kelangan ba pantay ang pagkakagasgas ng gulong?;
4) sirang kaliwang ilaw sa license plate; at
5) misaligned rear wheels

Buti na lang kamo, puro minor lang ang mga ito; pasalamat na rin at walang kinalaman sa engine parts, exhaust, etc. ang kinabagsak ni Kinang kundi katakut-takot na gastos na naman ito.


(Me and Kinang)

Kung mapapansin nyo bakit kelangang ayusin ang kotse bago ito iparehistro, it’s because yun ang nakasaad sa Traffic Laws ng bansang Qatar. Kelangan pumasa ang lahat ng 4 year old or more na sasakyan sa technical inspection bago ito iparehistro at magamit. In short, within 3 years ng isang brand new car, di na kelangang dumaan pa ito sa technical inspection. Logically, bago/ bagu-bago pa kaya wala pang chismis sa kondisyon nito.

Mahigpit dito sa Qatar: mabusisi masyado ang technical inspection hence, magastos. Lahat na lang ng bahagi ng kotse binubusisi mula sa ilaw ng headlights, tail lights, signal lights, seatbelt, fire extinguisher, at gulong. Pati side slip, break, buga ng tambutso ay computerized ang makinang ginagamit kaya wala ka talagang lusot. Pati gasgas, bakbak o faded na pintura sa body ng sasakyan eh chinechek din, kaloka! So kung di cleared in all aspects ang sasakyan mo, sorry ka, di mo sya maire-rehistro. At kung magtatampalasan kang i-drive ang unregistered car at mahuli ka, penalty ka ng bonggang-bongga: QR 3,000 (Qatari Riyals three thousand) equivalent to approximately 40 thousand pesos, chika???? Juice mio! Kaya yung iba, bago pa umabot ng 4 na taon ang nabili nilang bagong kotse, dinidispatsa na at ibinebenta kesa dumaan pa sa mabusising technical inspection na ito. Imperness, ok din naman if only for the safety of roads at kalinisan ni mother earth c”,)

Nauna kong pinaayos yung tuklap na bumper paint ni Kinang at saka ko sinunod ang ilaw sa plaka at saka yung gulong. I had the bumper done by tatay’s friend na pintor at latero ng sasakyan ng mga Sheikhs (mayayaman or part of the ruling family ng Qatar), while yung plate light eh effortless naman sa mga garahe sa Bin Mahmoud. Yung sa gulong, pinalitan ko na lahat ng 4 na gulong churang yung 2 sa unahan lang ang me chismis. Baka pag 2 lang pinalitan ko, baka me bago na namang fault na lumabas, saying di balanced ang wheels dahil 2 eh bago yung 2 luma, hahaha!

Yung sa wheel alignment naman, I had it done by a Pinoy technician ng Suzuki mismo sa kanilang “Quick Fit Center” sa Industrial Road. Umabsent ako ng bonggang-bongga marating lang ang malayong garahe nila. Imperness, natuwa akong malamang dito pala ginagawa ang mga pre-technical inspection (except engine and body works) kaya pag pinasok mo ang sasakyan mo dito, sure nang papasa ka sa actual technical inspection sa QTI (Qatar Technical Inspection, the regulating company).

Kaso after ng repair na ginawa ko, me isa pa akong problema: malamang na me penalty ako dahil expired na ang estimara (Arabic for car registration) ko! Mahirap kasi ang work sked ko kaya di ko matutukan ang pagpapayos nya; hanggang gabi kasi ay may pasok ako. Sa weekend naman at off ko, sarado naman ang mga talyer at spare parts centers. Kadalasan nga, kelangan kong mag-half day or umabsent sa office just to attend to all these.

My estimara expires on April 2, 2009 at under Qatar traffic law, meron grace period na 1 buwan so technically hanggang May 2, 2009 ang expiry nito. Pag di mo narehistro mo ang sasakyan within this period, have na naman ng bonggang-bonggang penalty! Juice mio!

Eh May 4 ko iparerehistro ang kotse ko so lagpas na ito ng 2 araw sa expiry! Pinaverify ko sa kasamahan ko sa opisina ganundin sa kaibigang pulis ng friend ko kung totoo nga ba ang batas na ito, at totoo nga raw! 500 riyals daw ang penalty, lagot!

So gabi ng May 3, wala na akong ibang matakbuhan. Bago ko ipikit ang mata ko, sa Kanya ko na lang inihabilin ang magiging resulta ng car inspection most especially sa magiging penalty for late registration ko. Confident ako sa inspection pero worried ako sa penalty. I uttered a simple prayer at itinaas ko sa Kanya ang lahat nang mangyayari kinabukasan, na kung maaari wala na akong bayaran na penalty dahil suko na ako sa gastos. My budget is strained kaya nanghiram na nga lang ke Mixie nang pangdagdag para sa car re-inspection at registration ko. Gumastos na nga ako sa repair, tyak na lalong masasaktan ang bulsa ko kung magbabayad pa ako ng penalty.

Then came yesterday, May 4, the date of re-inspection and registration of Kinang. Nung nakapila ako sa Lane 5 for re-inspection sa QTI, para akong bubuking, hahaha! LTK (lamig-tae-kaba) ang nararamdaman ko sa nerbyos! Di ko rin malaman kung maiihi ba ako or what habang hinihintay yung turn ko. Binuksan ko ang car stereo and played songs from my USB, pinatay ang A/C, ibinaba ang windshields, saka dumukot ng isang yosi para malayang ibuga ng ibuga ang nerbyos.

Nung turn ko na, ipinaubaya ko na si Kinang sa kamay ng Indianong inspector at saka ako pumasok sa waiting area para hintayin ang resulta ng re-inspection. Pagkatapos ng ilang minuto, hawak-hawak ko na ang inspection report…nakasulat sa Legal at Technical Requirements: “PASSED.” Napangiti ako pero di kasing-lawak para umabot sa tenga ko; me isa pa akong kalbaryo: yung penalty for late registration.

Walang kaabug-abog, I broke the good news on re-inspection by SMS to my friends. Sabi ko wait ko pa kung me penalty akong babayaran.

Kapag pumasa ka na sa inspection, dadalhin mo ito sa traffic police na sisitahing muli ang sasakyan mo at saka pipirmahan ang report kung pasok ka sa banga. Isang ngiti mala Miram Quiambao at magiliw na “Sabaah el kheer” (Good morning in Arabic) ang bungad ko sa unipormadong traffic officer. Sagot-bati naman ang pulis at pinirmahan ang report, pasok!

After nito, next would be insurance. Your car will not be registered not unless you present the passed inspection report, have it signed by the traffic police and have the car insured. Sa loob ng QTI, meron na rong mga booths ng ibat-ibang insurance companies. Sa dagdag na 100 riyals (bukod sa insurance fee na babayaran mo) as their service charge, uupo ka na lang at sila na ang bahalang mag-process ng registration card mo --- mas convenient kasi di ka na pipila at iaabot na lang sa yo yung card pag tapos na. Inabutan ko ng 525 riyals yung Egyptian na ahente: 325 riyals para sa 3rd party insurance, 100 naman na regular na bayad sa registration card at additional 100 para sa service charge nya. Matapos kong iaabot ang documents ko sa agent, panay ang usal ko ng dasal na sana eh huwag itong bumalik asking me to pay a penalty for late registration. Ganunpaman, inihanda ko na rin naman ang 500 riyals sa wallet ko sakaling lapitan nya ako sabihan ng: “Sorry my friend, late, you have to pay penalty.”

Habang naghihintay, pinikit ko sandali ang mga mata ko at inilapat ang likod ko sa upuan. Medyo napagod ako dahil maaga akong nagising at malayu-layo rin ang i-drinive ko. Maya-maya, dumating na yung Egyptian na nag-ayos ng papeles ko…nakangiti. Ika nya: “Khalas!” (Arabic: finished) sabay abot sa akin ng new car registration card na nakatatak ang bagong expiry nito. Wala akong penalty!

God is good! Answered prayer, sa loob-loob ko.

Monday, March 9, 2009

TYG

Magsa-summer na naman kaya tyak na umpisa nang maglipana ang kung anik-anik na byuti kontes sa kung san-saang sulok ng Pilipinas, mapa-malls, sa comedy bars, sa basketbol courts at kahit sa mga maliliit na baranggay at eskinita.
Justify Full
In fact, kakatapos lang ng Bibinibing Pilipinas kung saan me ilang showbiz personalities ang na-TYG, kasama ung bingi sa PBB teen edition na si Priscilla, Abigail Cruz na dyowa ni Paolo Bediones at naging 2nd runner-up pa nung 2007, ganundin si Paula Bianca Paz na gf naman ni Polo Ravales.

TYG meaning ‘Thank you girl’ o talunan, coined sa phrase na karaniwang binabanggit ng host sa mga contestants na di napapasama as finalists. “To other contestants who did not make it, thank you geeeeeeeerls!” ang umaalingawngaw na sigaw ng host sa mga contestants na habang nililisan ang entablado, ang iba ay bulung ng bulong at me nagmumura pa saying: “Kingina nyan wo, wa ako semi!” Hahahaha!

It was January 1999, pista ng Sto. NiƱo. Me annual gay byucon na ginaganap noon sa Sto. Cristo malapit sa Divisoria sa tapat ng Jollibee. Hilera ito ng bagsakan at tindahan ng sari-saring gulay --- repolyo, baguio beans, petchay, kamatis, talong atbp. --- na kung saan kapag gabi at dating ng byahe eh halos di ka makadaan. Wala naman akong planong sumali nuon eh kaso tong kunsitidora kong Tyang Vani eh sukat ba namang bulabugin ako ng tawag habang nasa opisina ako.

Tyang Vani: “O ano Be, join ka ha? Ako na bahala sa yo. Wag ka ng umatras. Naibili na kita ng wig sa Divisoria mall malandi ka!”

Bebe: “Naku anu ba yan, Tyang! Eh di naman ako handa eh! Ni wala nga akong gamit no?! At saka isa pa puro magaganda sumasali don we! Hayaan mo na lang na si Notnot ang sumali at wag na ako.”

Si Notnot ay ang college bespren ko sa PLM na operada na at pinalad pa ring makapag-stay sa Japan. Kainitan ng career nya non sa mga byucon kung san ang stage name nya ay Dayanara Torres.

Pag-uwi ko galing opisina, naloka ako sa hitsura ng wig na binili sa akin ni Tyang Vani. Super synthetic na plinantsa, as in plantsa sa damit, para maflat. At komo synthetic nagkadikit dikit ito at naging super flat at manipis na kala mo eh daing, hahahaha! No fear, laban pa rin ang bakla!

Nanaig sa kin ang lakas ng loob at excitement na makipagpukpukan sa mga naggagandahan at batikang kontesera. Kilala kasi ang kontes na ito na dinarayo ng mga naging contestants ng Super Sireyna sa Eat Bulaga. Suot ang wig na pinakagumagalaw, hayun emote si bakla, rampa dito rampa duon, kaway at kembot dito.

Di ko na matandaan kung anong pangalan ko non, di pwedeng Dayanara kasi Dayanara na si Notnot na sumali rin sa kontes. Dalawa kasi kaming inayusan ni Tyang Vani. Dawn Zulueta yata ang pangalan ko pero naririnig ko ang mga taong sumisigaw ng Imee Marcos, hahaha!

Tawagan na ng semi-finalists. Sampu ang pipiliin. Nauna nang tinawag si Notnot. Napasama sya sa semi ganundin ang Super Sireyna runner up na si Algene o Beth Tamayo ng FEU. Tuwang-tuwa akong nagpapalakpak sa likuran ng mga kandidatang selecta. Syempre proud ako ke Notnot dahil skulmeyt ko sya at kaibigan. Tumawag nang ika-pitong semi-finalist, ikawalo…napagod ang kamay ko kakapalakpak, di ako tinawag. TYG ako, hahahaha!


(Heto si Tyang Vani, ang dahilan bat na-TYG ako, with me and Michelle Madrigal sa Boracay nung 2007.)


(Heto na ngayon si Notnot, ang isa pang alaga ni Tyang Vani. Kaori na ang name nya ngayon. Kuha ito after nyang manalo as Miss Amazing Philippines nung 2004. Unfortunately, kelangan nyang bumalik agad ng Japan nung ipanlalaban sya as Philippines' representative sa Miss International Queen sa Thailand. Instead, ang isa ko pang matalik na kaibigan na si Mami Michelle, alongwith Trina at Dandan ang sumali . Lahat sila ay semi-finalists and Dandan won as 2nd runner-up.)

Me kakaiba ring TYG experience ang kaibigan kong si Mixie. Kasali sya nuon sa kauna-unahang gay contest ng Colegio de San Juan de Letran called Allure. Sosyal ang venue nila: sa Magsaysay Building along Roxas Boulevard. Nagpakaconio ang mga Letranista kaya di byuti kontes ang ginawa nila kundi modeling kontes. Imbes na karaniwang Parade of Nations wearing national costumes ang opening number nila, ang sa kanila eh Haute Couture. Kasali rin don ang isa ko pang kaibigan na si Vanessa, na that time nang kafreshan nya eh super gandara at malabung-malabo' ang legs. Kilala sya sa Letran nuon as Beth Tamayo.

Dramatic ang entrance ng mga kandidata kasi galing sila sa likod at dim ang ilaw. Kanya-kanyang eksena ang mga bayot sa opening. Me gun-toting Uma Thurman, complete with her trademark wig sa kanyang role sa Pulp Fiction, merong me hawak na bungo kung saan sa loob nito eh nakatirik ang bukas na kandila, at meron naman na habang naglalakad eh me dalang isang basket ng bulaklak na isinasaboy nya sa daraanan nya. Hindi nagpatalo ang Vanesa, may nakapulupot na alambre sa katawan, na habang naglalakad ng mabagal eh hawak-hawak ng dalawang kamay nya sa kanyang harapan ang isang puting kalapati. Pagdating nya sa mababang T-ramp sa unahan, pinakawalan nya ang kalapati sabay project, suplada! Palakpakan ang mga utaw!

Halatang rigged ang results ng kontes na iyon dahil sukat ba namang ang tinanghal na Best in Swimsuit eh ang pinakamatabang contestant na si Alex Rada. Naloka si Mixie sa choice of winner kaya from behind, walang kaabug-abog syang lumapit sa inaawardan na si Alex, sabay baba sa binti nito at saka ito pinitik pitik ng dalawang daliri habang bumubuka ang bibig ng: “Ang galeng moooh….ang galeng mooooh,” hahahaha! Sukooooo!

Heto pa, announcement na ng semi-finalists. To everybody’s shock dahil kagandahan si Mixie nun, TYG sya! Ang ginawa nya para umeksena: muli from behind eh hinawi sa gitna ang mga semi-finalists at saka sya rumampa sa gitna. Di lang iyon, lumakad sya na parang bibe at nagcart-wheel pa pabalik sa backstage, ahahahaha! Walangyang Mixie to, eksenadora talaga!


(My friend Vanessa/ Vani who's based now in Saudi.)

Marami pa akong nakitang iba’t-ibang eksena ng baklang na-TYG sa kontes. Andyang tumalak sa mic, rumampa sa harapan ng table ng mga judges, hanapin ang score sheet, magtanggal ng wig o ng makeup para ipamukha na maganda sila kahit di suot ito o kaya’y hampas hampasin sa harapan ng mga judges ang kanilang legs at binti para iparinig na ang tunog ng hampas nila ay tunog ng legs na walang stocking, hahahaha!

Kapag ganito na ang eksena, ang host naman, mabubwisit sa mga kandidatang nagmamaganda kaya either hihilahin sila o di kaya mumurahin sa mic, hahahaha!

Imperness, ang iba naman kahit TYG eh good sport. Simpleng hahabol lang ng smile, kaway o flying kiss sa mga fans bago bumaba ng entablado at pagkatapos ay isa-isang hahakutin ang mga gamit nila sa backstage.

Di lang naman ako sa byuti kontes na-TYG. Naranasan ko ring ma-TYG sa iba pang paligsahan gaya ng mga quiz bees, sa ilang trabahong pinag-applyan ko noon, ganundin sa ilang mga lalakeng inaurahan ko pero di umubra ang aura ko, hahahaha! Pero gaya nga nang nabanggit ko sa dati kong blog, sometimes it helps that you’re gay ‘coz pambihira ang survival instinct mo at mabilis at magaan naman ang coping mechanism mo sa pagkatalo.

Have a nice day!

Saturday, March 7, 2009

Eksakto isang taon pagkalipas ng nakakalokang sagot ni Janina San Miguel

“Well, my family's role for me is so important, because there was the wa-- they're, they was the one who's... very... haha... Oh I'm so sorry. Umm, my pamily... my family... Oh my god. I'm... Ok. I'm so sorry. I... I told you that I'm so confident. Eto, umm, wait... Hahahaha! Umm, sorry guys because this was really my first pageant ever, because I'm only 17 years old and... haha... I, I did not expect that I came from-- I came from one of the tough 10. Hmmm. So... But I said that my family is the most important persons in my life. Thank you.”

Kahit isang taon na ang lumilipas mula nang lumabas sa bibig ng disisyete-anyos na si Janina San Miguel ang sagot na ito sa Q&A portion ng Binibining Pilipinas sa Araneta Coliseum, gumugulong pa rin ako sa kakatawa.


Janina San Miguel shedding tears after being crowned as Bb. Pilipinas World 2008

(Heto ang video ng interview nya sa ibaba, na as of this writing ay umabot na sa 2,949,136 ang hits:)



Eh bakit ba naman hindi makakalimutan ng sambayanan at ng buong mundo tong hitad na ito, eh san ka ba naman makakakita ng kandidatang ginawang katawa-tawa ang sarili nya sa final round na Q&A eh nanalo pa ng major title!

Imperness, naipaliwanag naman ng organizers na 80-20 ang criteria for judging, 80 percent sa pisikal na ganda at 20 per cent na hahatiin sa personalidad at katalinuhan, kaya pwede na rin.

At imperness naman ke Janina, she exemplified a candidate exuding grace under pressure. Pagkatapos ng kanyang sagot, which will surely go down the pageant history as the most hilariously memorable, di man sya tumayo sa pagkakadapa tulad ni Miriam Quiambao sa Miss Universe 1999, she also rose by finishing the question kahit pa magkandabuhul-buhol at magkandatigas ang dila nya kaka-Ingles.

Anong panama ni Mother Ricky Reyes sa TV ad ng isang sikat na shampoo, kung saan ang bigkas nya ay “Palmolib,” hahahaha! At ano ring panama ng grammar ni Janina sa bading sa pamosong unreleased porn flick ng barda at totoy mola na si Josh Ivan Morales entitled ‘Manila Exposed.’ Ika ng bading sa bidang babae: “Any sexual fantasies that you has? Have you ever been experienced to be fucked to your ass?” Hahahaha! Sukoooo!

Isang sagot na ito ni Janina ang nakapagpabago ng buhay niya. Pagkatapos humakot ng special awards gaya ng Best in Evening Gown at Best in Swimsuit, itinanghal siyang Binibining Pilipinas World. Isang sagot na nagluklok sa kanya arguably as the 3rd most famous Pinoy sa youtube, after Charice Pempengco at Arnel Pineda ng bandang journey, dahil sa kanyang Q&A video clip na mayroon na ngayong halos 3 milyong hits.

Isang sagot that’ll make her an instant celebrity dahil kinabukasan, laman na agad sya ng pahayagan at laughingstock ng mga baklang komedyante sa mga comedy bars.

Bukod dito, sa Tagalog slang, ginagamit na ngayon ang kanyang pangalan to connote an answer that is incoherent, mali-mali o katawa-tawa. Halimbawa: “She is like Janina San Miguel during her thesis defense.” O para mas bakya: “O say? Paanong di ka maliligwak sa job interview mo bakla, eh Janinang-Janina ang sagot mo sa mga tanong!” Hahaha!

Imperness pwede rin namang positive ang dating ng figure of speech pag ginamit ang namesung nya, halimbawa: "She does a Janina. She may have fumbled through the interview portion but she won the crown."

Di ko naman isinulat to para libakin si Janina. Super aliw lang talaga ako sa sagot nyang iyon per se. Sa katunayan, kahit pa aminado akong sumusuko kakatawa sa ginawa nyang pagsagot noon, pinatunayan nya na di kailangan maging matalino o Inglisero ng isang tao para makamit nya ang tagumpay; ang kailangan nya ay lakas ng loob at determinasyon. Taray, pwede tong one-liner na to sa byucon!

Unfortunately, hindi nabigyan ng pagkakataon si Janina na i-vindicate ang sarili nya. Hindi sya nakalaban sa Miss World na ginanap sa Johannesburg nuong December. Ilang buwan ang lumipas pagkatapos syang koronahan, nag-resign sya dahil sa personal reasons, particularly ang pagkamatay ng kanyang lolo --- dahilan para isalin ang korona sa 1st runner up na si Danielle Castano. Katulad ng karamihan nating kandidata sa international beauty pageants, umuhing luhaan si Danielle dahil di man lang napasama sa Top 15 semi- finalists.

Marami tuloy ang nagtatanong, paano kaya kung ang mas matangkad (Danielle is 5’8” samantalang 5’10” naman si Janina) at mas palaban na si Janina ang lumaban. Papasok kaya sya sa semi? Makakaapekto kaya ang kanyang kahinaan sa wikang Ingles para manalo? For the first time ay magtatagalog kaya si Janina at gagamit ng interpreter sa final round kung mapasama sya as finalists?

Isang taon na nga ang lumipas. Naalala ko pa last year, updated ako sa results ng Binibini dahil tinetext ako ni Shine sa mga nagaganap sa Araneta. Isinama kasi sya, ganundin ng mga kaibigan kong si Edmac at pinsang si Rex, ni Mundang sa front row ng coronation night. Sosyal!

Alas-singko Doha time habang sinusulat ko itong blog entry na ito. Sa ganitong punto, maaring kasalukuyan nang rumarampa in swimsuits or evening gowns ang mga semi-finalists. Alas-otso kasi Manila time ang simula ng kanilang palabas sa Araneta, ayon sa kanilang official website.

Base lamang sa hitsura ng mga kandidata sa kanilang website, heto ang aking fearless forecast:

Tatlo kina Diana Arevalo, Maria Paula Bianca Paz, Jaysel Arrozal, Barbara Salvador at Pamela Bianca Manalo ang tatanghaling Bb Pilipinas Universe, World at International. Papasok din sa semi sina April Love Jordan, Regina Hahn, Sandra Seifert, at Mary Ann Umali.


Pamela Bianca Manalo


Maria Paula Bianca Paz


Jaysel Arrozal


Barbara Salvador


Diana Arevalo

Tumama kaya ang prediksyon ko? Magkaron kaya ng panibagong Janina sa Q&A portion? Abangan!