Napalo ko ang apat na taong pamangkin kong si Jhules. Sobrang kulit kasi. Kung anong bawal mo, sya namang gagawin nya.
Sinabihan ko sya na wag gawing piano ang keyboard ng laptop, sige pa rin sa pagpindot. Eh sya na nga nakasira nun, tapos uulitin pa rin kung anong ayaw mo.
Sa sobrang gigil ko, pinaupo ko sya sa silya at saka pinagkukurot. Di pa ko nakuntento, kinuha ko ang kamay nya, pinalahad ang palad at saka pinalo ito. Imperness, ingat naman ang pag-palo ko; imbes na buong palad ko ang ipamalo ko sa kamay nya, daliri lang ang pinatatama ko. Ganunpaman, alam kong malakas pa rin yun kasi hiyaw sya ng hiyaw kakaiyak, bukod pa sa mura pa lang ang katawan nya.
Habang umiiyak sya, binuhat ko sya sa tapat ng kwarto ng mommy at daddy nya at saka sinigawang pumasok.
Di naman ako inawat ng mga magulang nya. Alam naman nilang di talaga magaan ang kamay ko sa bata. Yun lang ang first time na napalo ko ang pamangkin ko.
Naawa naman si tatay at pinagalitan ako bat ko raw sinasaktan ang bata. Nilabas nya si Jhules at saka inaliw. Kumampi naman sa akin si nanay. Minsan daw dapat talagang dinidisiplina sa palo ang mga bata para magtanda. Katulad ni Jhules, paos ka na kakabawal, di ka pa rin susundin.
Close sa akin si Jhules. Kada susunduin ko ang tatay ko sa trabaho sa tanghali at ihahatid-sundo naman si nanay, lagi syang sumasama sa akin sa sasakyan. Gustung-gusto nya kasing nakakakita ng mga sasakyan sa kalye. Kabisado na rin nya lyrics halos lahat ng kanta sa USB ng kotse ko, gaya ng mga kanta ni Bruno Mars at Usher.
Nang makita nya akong paalis para sunduin si nanay, parang balewala naman sa kanya yung ginawa ko sa kanya. Tinanong ako kung saan ako pupunta. Iba talaga ang mga bata. Di marunong magtanim ng galit, di lumalaban...
Nang patulog na ako, saka ako na-guilty bakit ko napalo ang pamangkin ko. Tinanong ko sarili ko kung tama ba yung ginawa ko. Nang maisip kong itong bago mag-New Year, exactly sa December 28 eh iuuwi na sya ng Pilipinas (balak na kasi syang sa Pinas na pag-aralin ng mga magulang nya para normal na mamuhay bilang bata --- yung mag-enjoy na me kasamang kalaro at maraming tao ang nakikita) at di pa sigurado kung babalik pa uli sa Doha, naiyak ako.
Kesa magalit, dapat ineenjoy ko na ang mga araw habang andito pa si Jhules.
2 comments:
Sa bawat araw-araw na ating ginagawa, mayroon tayong dalawang pagpipilian, sundin ang tama or gawin ang mali. Gawin ang positibo or ang kabaliktaran.
We cannot control our emotion sometimes that makes us human. Mahirap naman ang maging mabait lagi at mahirap din namang masungit ka for life.
Ang mahalaga we learn from our mistakes and that we tend to contemplate what should have been done.
Bumawi ka na lang sa susunod.
Love yah Vivs.
@Elmer: thanks for dropping by to read this entry and leave a comment as well. luv ya too man hahaha!
Post a Comment