Wednesday, October 19, 2011

Reunion

Magagalit nito ang kaibigan kong tranestang Kana pero naka-base ngayon sa Oman at si Mayor; akala nila mahaba-haba ang susunod kong blog, sayang inaantay pa naman nila.

Aba, eh kasalanan ko ba namang magkita kaming muli ng kuya nyo kagabi? Kaya heto muna ngayon, sa susunod na ang pangako ko.

How time flies! 3 taon na pala ang nakalilipas mula ng makilala ko si Wael, half-Lebanese/ half-Palestinian. Nakilala ko sya thru Jackie nang bisitahin namin sya sa Gold's Gym, niyaya sa bahay ng kaibigan, pinaliguan kasi me amoy :p at saka naganap ang dapat maganap.

Huli ko syang nakita last year pa yata sa Petrol station malapit sa bagong arrival terminal ng Doha airport. Sa saglit na pagikitang yon, we just exchanged pleasantries and that was it.

Muli, nagkita kami kagabi nang di inaasahan sa bar ng Merweb Hotel para i-meet at makipag-inuman sa isang kaibigan na galing Dubai. Bitbit sya ng isang lalakeng ipakikila namin sa kaibigang ito. Mas masarap ngayon si Wael: nagbawas sya ng timbang kaya mas bumagay sa kanya.  Kung dati eh mahaba, bagsak at alun-alon ang buhok nya, ngayon ay maigsi at naka-pataas ang ayos. Wala nga akong nagawa kagabi kaya binulungan ko sya,"I hate you coz you're making me weak." Aba, pakitaan pa ba naman ako ng abs eh di ako lalong manghina?



(Heto sya in white tees, 2nd from left, kuha kagabi sa Merwerb)

Pag pinagmamasdan ang kagwapuhan nya, wala akong magawa kundi balikan ang masasayang alalaala ko sa kanya 3 yrs ago: yung pagsundo ko sa kanya sa bilyaran sa bandang airport, cruising around Doha gamit ang sasakyan ko habang sya ang driver, paghinto sa mga drive-thrus ng kainan, tambay sa Corniche lalo na sa lugar na 'overlooking' kung tawagin ko, ang pagbisita nya at pakikipaginuman with friends, ang kakulitan nya at sexyng pagsayaw-sayaw, lalo na syempre ang umaatikabong plakplak hanggang umaga.

Haaaay, kinilig na naman ako sa putah! Halika na dito, akin ka na uli Wael. Sige na please?

Saturday, January 29, 2011

Izzeldin: Ang Boss Ko

Inabot ko sa boss ko ang isang excel sheet ng lahat ng contact numbers galing sa email nya. Bago nya kunin, sabi nya sa akin, simula bukas lahat ng memos na naka-address sa kanya eh huwag ko nang ibigay sa kanya kundi sa isa pang Panang (Indiyano) manager. Sabay abot sa akin ng isang memo.

Sulat sa kanya yun ng kumpanya, pinaaalam sa kanya na huling araw na nya sa katapusan ng January, forced resignation para sa lahat ng empleyado na age 60 and up. 65 na si Izzeldin, ang boss kong Sudanese na may Canadian passport. Don ko lang nalaman na 14 years na pala sya sa Toyota; halos 4 na taon lang ang lamang sa akin.

Di ko nagawang maging emosyonal nang malamang 2 araw na lang sa opis ang boss ko. Sinabi ko lang na nakakalungkot naman yun at malamang eh napaghandaan na naman yun. He saw it coming daw. Ako I saw it coming too kasi alingasngas na yun sa opis ilang linggo na eh. Nitong umaga naman, nasagap ko na rin na kasama nga raw sya sa mga ilang matatandang empleyado na past retirement age na tsutsugiin.

After nyang tingnan ang contacts printout na inabot ko, magpapatulong daw sya bukas na i-save sa USB ang lahat ng personal na files nya.

Pagbalik ko sa workstation ko, at saka unti-unting nagsink-in sa akin ang nangyari at unti-unting nangilid ang luha ko. Para di mahalata ng mga kasamahan ko na namumula ang mata ko, agad akong nangpaitbahay sa opis ni Robin.

Mami-miss ko ang boss ko. Sobrang professional, sobrang bait. As in wala akong masasabing kahit anong kapintasan sa ugali nya at sa naging working attitude nya bilang amo ko. Di ako magtatagal sa kumpanyang to kundi dahil sa kanya.

Sa last day nya, saka na lang uli ako iiyak...